"Bukas din ay darating na ang submarine na gagamitin natin." Sabi ni Dionne sa lahat ng mga kasama niya. Nasa unahan siya at ipinakita ang isang mapa na nakatayo sa harapan. "Magpaplano tayo sana noon na dalawang buwan pero wala pa akong idea kung paano natin sila aatakihin at kung paano papatayin si Don Chinchao. At lalong hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan ang kwarto ni Don Chinchao sa ilalim ng lupa pero sinisiguro kong nandoon siya dahil sa hindi inaasahang nabihag ako at nagpakita siya sa'kin. Ako ang hahanap sa kaniya doon dahil sa mapa na hawak natin ng laboratoryo. Mas malawak pa ito sa iniisip natin dahil sa tingin ko'y maliit na bahagi lang ang narating ko kahit apat na palapag na ang binaba ko doon. At sa tantya ko ay malapit lang ito dahil isang elevator lang ang sinakyan namin bago marating ang silid ni Chinchao. Noong una, gusto kong sirain ang mga kagamitan dahil wala akong alam sa loob pero wala akong nakita kundi maliit na pasilidad lang na kasing laki ng mga pangkaraniwang convenient store sa paligid. Dito sa palagay ko." Itinuro niya ang mapa kung saan siya posibleng nakarating na hindi nangalahati sa buong mapa.
"Para pala tayong nangangapa sa dilim." Sabi ni Steven.
"Kailangan lang na makapunta ako sa lugar kung saan natin unang nakita si Vince." Pagpapatuloy ni Dionne. "Napag-usapan na natin ang Plan A. At ang Plan B ay dipende sa mangyayari. Kaya tayo may submarine ay para makapunta tayo sa barko na itatalaga natin sa 'di kalayuan sa Factory at doon pupwesto si Nao at Jessica kasama si Kelvin para tignan ang nagaganap at mabasa ang mga sinasabi ng tao. Pero kailangang tapos na inspeksyonin ang barko bago pa sila umakyat doon. Kailangang alamin ang nangyayari kung magkita kami ni Vince sa lugar na sinasabi ko. Natitiyak kong magkakabangga kami doon."
Matapos nilang pagplanuhan ang huling pag-uusap ay lumabas sila sa kwarto kung saan sila nag-plano. Nasalubong ni Dionne si Kaled.
"Bukas na ba ng umaga ang alis niyo?" Tanong nito.
"Oo. Kailangan na naming madaliin ito." Tumingin si Dionne sa mga kasama niya. "Magpahinga na kayo."
"Sige. Ikaw na ang bahala diyan." Sagot ni Karen.
Humarap si Dionne kay Kaled. "Wala kasi kaming alam kung ano na ang nangyayari. Noong una ay may paparating na intelligence drug kaya kahit papaano ay napigil ito. Kaya ngayon ay hindi na namin kailangang abangan pa kung ano ang magaganap dahil baka naihatid na ang ilang droga sa katabing bansa ng Jiao-long. Hindi ko naman winasak ang laboratoryo pero maraming drogang nasayang kaya kung tatantyahin ko ay baka lumipas pa ang ilang araw bago sila makabuo ng maraming droga o baka abutin ng isang buwan."
"Nag-aalala ako sa'yo, Binibini. Ikaw lang yata ang nakaisip ng misyon na 'yan. Ipagdadasal ko na sana ligtas ka hanggang matapos ang misyon niyo."
"Maraming salamat, Kaled. Malaki ang pinagbago ko mula nang matanggap ko ang Sacred. Kaya mas malaki ang tyansa namin ngayon."
"Alam kong kaya mo 'yan. Gusto kitang pigilan pero sino ba naman ako para pigilan kita? Sino ba naman ako para maliitin ka noon kay Abdul pa lang. Kung walang nakapigil sa'yo sa pagsagupa mo kay Abdul para iligtas ang mga tao ay alam kong ganoon din ngayon."
"Tama ka, Kaled." Ngumiti si Dionne.
Lumapit sa kaniya si Kaled at niyakap siya. Gumanti siya dito ng yakap. "Napakaswerte ng lalaking mamahalin mo."
"Ganun din ang babae sa'yo, Kaled. Bibihira ang katulad mong napakabuti sa tao."
Bumitaw ito at tumingin kay Dionne. "Kaya sana huwag kang masasawi. Babalik ang Sakramento kay Lolo kapag masawi ka. Ayokong kunin ang kapangyarihan na 'yan kung sakali. Mas gusto kong ikaw ang humawak niyan dahil walang may ibang karapatan para diyan. Kung ako ang tatanungin ay sa'kin ko gustong makasal ka. At sa magiging anak natin ang kapangyarihan. Kapag nawala si Lolo at namatay ka ay katapusan na ng Green Island. Magtatapos na ang paghahari dito at papalit ang may kakayahan na ipagtanggol ang palasyo. Wala ang ama ko."