Umihip ang malakas na hangin kaya itinakbo ni Ursula si Dionne. "Bumalik ka dito, Ursula. Paano ka nakatakas?!" Sigaw ni Adonis. Habang tinatalon ni Ursula ang bakod ay may mga sundalong malalaki ang sumalubong sa kaniya.
"Magsitabi kayo diyan!"
Hindi mahuli si Ursula dahil sa bilis ng pagkilos nito. Ginawa nitong tapakan ang mga sinisipa niya dahil nasa itaas siya.
"Ursula, gumamit ka ng Superior para tumakas.." Dinig niyang sabi ng isang humahabol sa kaniya. "Wala ka na bang natitirang kahihiyan?"
"Babalikan ko kayo." Sagot niya. "At sa pagbabalik ko, sinisiguro kong.." Humarap siya sa mga humahabol sa kaniya. Sumipa siya sa hangin. "Super Kaze Nami Kikku!" Isang malakas na hangin ang tumama sa kanila kaya napatigil silang lahat. "Sa pagbabalik ko, wala ni isa sa inyo ang makaka-isa sa'kin!"
Umikot siya nang pagtakbo. Hindi agad siya lumabas. Hanggang mapansin niya ang isang rocket na nasa lapag. Agad niyang isinuot ito sabay lumipad habang karga niya si Dionne. Agad siyang nakalayo sa mansyon. "Salamat, Lady Alyana." Bulong ni Ursula habang lumilipad.
-
Naglalakad si Alyana papasok sa isang kwarto nang mapansin niyang naka-alis na si Ursula kaya napangiti siya. Nakasunod sa kaniya ang isang babae. "Malalagot ka kay Adonis." Sabi nito sa kaniya.
"Ayos lang. Ang mahalaga hindi niya nagawa ang mga bagay na lalong magpapayabang sa kaniya. Mga tauhan lang tayo na utusan. Wala na akong paki kung hindi tayo maging matagumpay. Isa akong prinsesa, hindi dapat ganito ang takbo ng buhay ko sa pamumuno niya."
"Baka magalit ang ama mo?"
Pumasok sila sa kwarto. "Gusto lang niya ang maging malapit sa heneral kaya pumayag siyang maging myembro ako ng Guardians. Para may kapit siya. Ako ang ginagamit nila kaya bahala na sila magalit."
-
Nakalayo na si Ursula pero patuloy parin siya sa paglipad. Hanggang may nakakita sa kaniya na isang grupo. Napansin niya ang mga ito na nakatingin sa kaniya habang may karga pa siyang isang tao. Maya maya lang ay lumipad na din ang mga ito para sundan siya. "Sagabal pa." Sabi niya.
"Sino ka!!" Sigaw nito. Bumagal na ang paglipad niya dahil paubos na ang enerhiya ng baterya nito. Lumingon siya at hindi nagsalita. Nakilala siya nito. "Ursula?" Nakatingin lang siya dito. Pamilyar ang itsura ng mga ito pero hindi niya matandaan kung saan niya nakilala. "Nakabalik ka na pala dito. Sino 'yang kasama mo?"
"Huwag niyo muna akong gambalain. Kailangan kong makalayo." Sagot niya. "Utang na loob. Nanghihina ang kasama ko."
"Gusto mong tumulong kami?"
Nabigla si Ursula sa sinabi ng lalaki kaya agad siyang bumaba para kausapin ang mga ito. Inihiga niya si Dionne sa maayos na lugar habang kasama ang limang lalaki. "Nakasagupa namin si Adonis." Sabi niya sa mga ito.
"Si Adonis?" Ikinabigla nila ito. "Kaya pala doon kayo nanggaling. Anong nangyari?"
Inilahad niya ang nangyari kaya tumango lang ang mga ito. "Kaya pala." Kumento ng isa. "Marami dito ang nahihirapan dahil sa parusa ng technique niya."
"Bakit?"
"Nilalagyan niya ng sumpa ang bawat tao na gusto niyang parusahan."
"Anong sumpa?"
"Hindi namin alam. Basta ayon sa nakausap namin, bukod sa hindi na gumagana ang In Ability, nababawasan pa ang Strength nito dipende sa sumpa na ginamit niya."
Nanlaki ang mata ni Ursula. "Sa pagkaka-alam ko, ang sumpa na inilagay niya ay unti unting uubusin nito ang dugo mo sa katawan habang gumagamit ka ng In Ability."