Tumama ang sipa kaya lumikha ito ng konting pagkawasak sa sahig. Umusok ng konti dahil sa lupa hanggang humupa ito. Nakita ni Vince na buhay si Dionne kaya nagulat siya.
"Papano'ng--"
Agad umalis si Dionne at gumapang papalayo. Naiwan si Vince na nagtataka. Malaking hiwa ang iniwan ng sipa sa semento kaya kung sino man ang tatamaan ay masasawi sa atake na 'yon.
Umupo si Dionne sa isang sulok nang hinang hina. Tumayo si Vince. "Nakaiwas ka?" Tanong nito.
"Hindi naman nakapagtataka." Sagot ni Dionne habang ang kamay niya ay nakapatong sa sahig at hinihingal. 'maraming salamat'. Bulong niya sa sarili.
"Imposible na makagalaw ka pa. Nabugbog na kita bago pa lumabas ang Superior mo. At ngayong nawala ang Superior mo ay dapat babalik ka sa dati."
Tumayo si Vince pero bigla siyang napaluhod. "Ikaw ang dapat na tinatanong ko niyan. Nakagawa ka pa ng malakas na atake sa kabila nang halos mamatay ka na sa suntok ko."
Lalong nagtaka si Vince dahil halos hindi siya makagalaw. "Hindi ako basta basta matatalo sa suntok lang." Pinilit niyang tumayo pero nahihirapan siya. Nanginginig ang tuhod niya.
"Nawala na din ang Rampage mong pinagmamalaki. Ngayong nabugbog ka habang gamit mo ang Rampage ay dapat mas lalo kang manghihina ngayon. Umaasa ka pa bang makakakilos?" Hirap parin si Dionne at nahihirapan na siyang huminga. "May kakayahan akong manumbalik ang lakas basta makaiwas ako sa matinding kamatayan. Tangan ko ang lakas ng isang Hari."
Gulat na gulat si Vince. "Imposible ang sinasabi mo!" Nagawa niyang tumayo ngunit hindi niya maihakbang ang paa niya.
"Aminin mo nang ibinuhos mo ang lahat ng lakas mo maging ang Rampage sa atake na iyon sa pag-aakalang mapapatay mo ako. Ang kaso, ang atake na iyon ay hindi mo madalas gawin dahil madaling iwasan. Ngayon mo ako tanungin kung bakit ako nakaiwas."
Nainis si Vince. May naalala siya sa nakaraan.
"Tangan ko ang lakas ng isang Hari."
Ito ang sabi sa kaniya ni Greg. "Hindi maaari ito. Magkaiba kayo. At imposibleng maging Hari ka dahil ang Hari ay si Greg!"
"Hindi kita maintindihan. Baka nagdedeliryo ka na dahil halos wala ka nang lakas."
"Magsisisi ka. Kailangan mong lumaban ngayon. Sumugod ka!"
Pero hindi makakilos si Dionne at unti unti nang lumalapit ang kulay ube na usok. Umuubo na siya dahil sa hirap nang paghinga.
"Ikaw ang dapat na lumaban ngayon. Nagpapahinga ako. Tangan ko ang Sacred na kayang palakasin ang lahat ng technique na kaya mo."
"Imposible 'yan! Hindi dapat sa'yo isinalin 'yan. Isa ka lang baguhan!"
"Pero nangyari na. Marahil nagtataka ka parin dahil lumakas ako pero hindi maitatago sa'yo na kapanipaniwala ang sinasabi ko. Naniniwala ka 'di ba? At naniniwala kang totoo ang pagsalin. Ngayon gumawa ka ng paraan dahil oras na manumbalik ang lakas ko ay tapos ka na."
"Hindi pa tapos. Maghintay ka sa loob ng tatlo hanggang limang minuto. Tatapusin kita."
Inangat ni Vince ang mga kamay niya hanggang baywang at iniharap sa itaas ang palad. Pumikit ito. Nakatingin lang sa kaniya si Dionne na medyo natatakot pa nang konti.
-
Napansin ni Andrei na lumamig ang semento at bumalik sa dati. Hinawakan niya ito habang nakaposas siya. Napansin siya ng heneral kaya kinapa din nito ang semento.
"Tapos na ang laban." Sabi ni Rece kaya napatingin sa kaniya ang lahat. "Bumalik na sa dati ang lamig sa sahig." Pero nagtaka siya at gulat na gulat.