Nagtaka ang lahat sa narinig sa labas. Halos mawala na ang amoy sa lupa pero nagkaroon ng malakas na hangin. "Ano ang ibig sabihin nito?" Tanong ni Andrei.
Napatingin si Karen sa kaniya. Mga ilang segundo ay ngumiti ito. "Buhay na buhay si Dionne." Sabi niya.
"Hindi." Sabi ni Rece at lumabas. Nakita niyang malakas ang hangin na hindi lang basta ordinaryong simoy. Kinuyom niya ang kamao niya. "Sabi ko na nga ba."
Lumabas din ang ilan maging si Karen. "Gusto kong malaman mo, Heneral na ito na ang palatandaan na hindi pa talaga tapos ang laban."
Napatingin sa kaniya si Rece. "Hindi pwedeng ganito. Maghintay tayo."
"Bahala ka. Pero oras na manalo si Parker ay malaya ko nang sasabihin ang lahat sa lahat. Hindi ako titiwalag sa'yo. Pero hindi ko kukunsintihin ang lahat ng kalokohan na ito."
"Walang mapapatunayan dito." Lumakad ito kaya napatingin sa kaniya ang lahat. "BUKSAN ANG PINTO!"
Agad agad kumilos ang mga sundalo na nakarinig.
-
"Sinungaling ka." Lumapit si Dionne kay Vince at hinawakan ang kwelyo nito. "Mamatay ka na pasasamain mo pa ang loob ko."
"Kahit saktan mo ako ay wala na ding mangyayari. Hindi ka man maniwala, wala na akong paki."
"Paano mo nalaman 'yan?!"
"Dahil ama mo mismo ang nagsabi sa'kin. Ayaw niyang tumiwalag sa sindikato kaya pinatay niya ang ina mo."
"HINDI!!" Isang suntok ang tumama kay Vince.
"Yun ang to-too." Usal nito habang nakatagilid ang ulo.
"Hindi magagawa ng ama ko 'yon." Pero lumuha si Dionne.
Napansin nilang tumigil ang hangin pero nawala ang mga usok. "Andiyan na sila. Marahil alam na nila ang nangyari kaya binuksan na nila ang malaking pinto."
"Huwag mong ibahin ang usapan. Patunayan mo ang sinasabi mo."
"Huwag kang magagalit sa ama mo. Ang totoo, nakunsenya siya kaya siya na mismo ang tumiwalag at nag bagong buhay." Nakatitig lang sa kaniya si Dionne. "Huwag mo akong husgahan. Kaya ako naging ganito ay nagpauto lang ako kay Gold Smith. Ngayon alam ko na ang layunin niya. Bawasan ang mga kakampi ni Greg. Ngayon ko lang naisip lahat. Sana mapatawad mo ako sa lahat. Gusto kong magkatotoo ang sinabi ni Greg dahil wala pang mali sa mga sinasabi niya. Ang huling sinabi niya ay magkakaroon ng World War part 3 na pinaniwalaan ng iba dahil lahat ng sinasabi niya ay totoo. Mula pagkamatay ng mga hari at presidente hanggang pagtatapos ng buhay ko sa mga kamay ng taong mabuti at hindi takot mamatay."
"Hindi totoo ang mga sinasabi ni Greg."
"Totoo lahat. Napatunayan ko na dahil mamamatay na ako sa kamay mo. Noong una ay akala ko baliw ka. Pero nakita ko sa'yo ang katangian na hinaganap ko sa matagal na panahon. Paano magkakatotoo ang sinabi ni Greg kung papatayin kita? Kaya gumawa ako ng paraan. Pinigilan ko silang patayin ka at ginamit ko si Nao para makatakas ka."
Nagulat na naman si Dionne. "Sinungaling ka talaga. Iba ang sabi ni Nao. Malamang hindi totoo ang sinasabi mo tungkol sa ama ko. Maliwanag na sa'kin."
"Maniwala ka. Huwag kang magalit sa'kin."
"Mamamatay ka na dahil marami nang dugo ang nawala sa'yo. Hindi na importante sa'kin kung mapatawad kita o ano. Hindi na din mahalaga sa'yo--"
"Mahalaga, Miss Parker." Napatingin lang si Dionne. "Naniniwala na ako sa Diyos kaya gusto kong maniwalang hindi maganda na magtapos itong galit ka sa'kin. Gusto kong mapatawad mo ako pero huwag mong pagsisihan ang ginawa mo. At dahil sa mga pangitain sa panaginip ay napatunayan kong totoo ang Diyos. Mula sa pangitain sa Biblia na nagkatotoo hanggang sa panaginip ni Greg na mapapatay mo ako."