Umusod ang katawan ni Dionne kaya nagkaroon siya ng distansya kay Azenith ngunit nawala si Azenith at napunta sa likod niya. "Hindi ko nagawa ang tatapos sa'yo, sige maglaro muna tayo." Sabi ni Azenith. Nabigla si Dionne dahil nasa likuran na niya si Azenith. Binigyan siya ng isang malakas na sipa sa tagiliran. Tumalsik siya sa malayo. Naglakad si Azenith papunta sa kaniya.
May humarang na babae sa kaniya. "Tama na. Hindi na niya kaya!" Sabi nito na umaawat dahil nakataas ang dalawang kamay.
"At bakit? Sino ka?" Tanong ni Azenith.
"Napaka-sama niyo."
"Umalis ka sa harapan ko dahil tatapusin kita."
"Tapusin mo na!!"
May isang lalaki ang umawat naman sa babae. "Tama na 'yan, parang awa mo na. Mamamatay ka sa ginagawa mo!"
"Hindi! Pipigilan ko lang siya."
"Umalis kayo sa harapan ko kung ayaw niyong masaktan." Lumapit sa kanila si Azenith.
Umatras sila dahil hinihila ng lalaki ang babae. "Huwag mo kaming saktan. Aalis na kami." Sabi ng lalaki.
Umiyak ang babae. "Huwag mo akong pigilan!"
Hanggang makalapit sa kanila si Azenith kaya hinila ng lalaki ang babae para makaiwas sa gagawin nito. "Gusto niyo talagang mamatay na?!" Itinuwid niya ang daliri niya.
Napaupo sila pareho dahil sa takot. "Sige na, ako na ang bahala! Huwag mo kaming saktan!"
"HINDI! WALA SIYANG KARAPATAN NA MANAKIT NG TAO!" Sabi uli ng babae. Nasa harapan nila si Azenith.
"Ano ang karapatan mong pagsalitaan ako ng ganiyan?!" Galit na si Azenith.
"Huwag mo silang saktan!" Boses ni Dionne. Naglalakad ito papalapit.
Ngumiti si Azenith. "Ituloy na natin ang laban."
"Huwag na huwag kang mangdadamay ng inosenteng tao."
"Ako ang masusunod hindi kayo!"
Umalis ang dalawa sa harapan ni Azenith dahil kinarga na ng lalaki ang babae. "Pinatay niya ang kapatid ko!" Umiiyak ang babae.
Nainis si Dionne sa narinig. "Wala akong paki-alam sa inyo, umalis kayo sa harapan ko!"
Nakatingin lang si Dionne sa babae na nagwawala na habang nilalayo ang babae.
"Huwag mo na silang idamay." Sabi ni Dionne. "Galit lang sila sa iyo."
"Hindi naman ako nagagalit sa mga 'yan. Ayoko lang na sinisigawan ako. Kaya kung ayaw mong saktan ko sila, pigilan mo!"
"Alam mo ba ang pakiramdam ng namatayan?"
Tumawa si Azenith. "Wala na akong paki sa nararamdaman niyo."
"Kung alam mo ang pakiramdam, maiintindihan mo sila! Pwede kang mabuhay sa mundo nang hindi pumapatay ng inosenteng tao."
"Alam mo, nag-aaksaya ka lang ng oras."
"SUPER MODE!" Lumakas uli ang hangin kaya biglang umatake si Dionne. Iniwasan ito ni Azenith.
"Ang bagal mo!" Umiwas si Azenith sa isang suntok at sinipa siya sa mukha bilang ganti. Tinamaan siya at tumalsik. Bumagsak na naman siya sa lupa. "Tumatagal na ang laban."
Bumangon si Dionne. "Hindi mo ako mapapasuko. Pakiramdam ko umaasa ang mga tao dito na matatalo kita."
"Tatapusin na kita. Huwag na kayong umasa."
Nawala si Azenith. "Sonic Blow!" Sinuntok niya si Dionne sa tiyan. Tumalsik si Dionne. Hindi pa ito bumabagsak sa lupa nang gumawa si Azenith ng mabilis na pagsugod. "Hindi gumana sa'yo ang double blow. Pero dito tapos ka na!" Mabilis na mabilis itong papalapit kay Dionne. Nakatuwid ang kamao niya na tila isang espada. Hanggang lumampas ito kay Dionne. Hiniwa niya ito kaya nagtalsikan ang dugo nito. Umikot ang katawan ni Dionne. "Shadow Walk!"