Natapos ang pag-uusap nila, hindi matahimik si Dionne. Nasalubong siya ni Andrei na hindi pa umaalis. "Anong nangyari?" Tanong nito.
"Wala naman. Medyo nadagdagan lang ang isipin ko." Bumalik sila sa hardin. Nakita niya si Sono na inaabangan siya.
"Ate, bakit ang tagal mo?" Tanong nito. Limapit si Dionne sa kaniya.
"Maglaro ka muna, may pag-uusapan lang kami."
"Ano?"
"Basta, mamaya sabay tayong kakain. Hindi ako hihiwalay sa'yo." Nginitian siya ni Dionne.
Ngumiti si Sono. "Sana hindi ka na umalis ah." Ngumiti din uli si Dionne. Umalis na si Sono at naiwan sila.
"Gusto kong sabihin sa inyo ang nalaman ko." Sabi niya sa mga kaibigan niya. Mula sa itaas ay nakatingin lang si Kaled sa kanila. Hindi siya makalapit kay Dionne dahil sa mga kaibigan nito kaya nanatili siyang nakalayo dito.
Sinabi naman ni Dionne ang lahat ng pinag-usapan nila ng hari kaya napa-isip lang ang lahat pagkatapos. "May nabanggit nga sa'min si Master tungkol kay Greg. Talagang disidido silang makidigma." Sabi ni Tina.
"Sa nakikita ko, doble, triple o sampung beses na mas gustong tulungan ni Greg ang mga tao kaysa sa kagustuhan nating makatulong." Sabi ni Andrei.
Napapikit si Dionne. "Napakahirap ng ginawa niya. Ngayong isa ang bansa natin na makakaiwas na sa droga, hindi parin ito sapat. Sinasakal tayo ng World Government kaya lubog ang bansa natin." Sabi niya.
"Hindi naman talaga lubog ang bansa natin." Sabi naman ni Steven. "Pinapabayaan lang ng mga namumuno ang mga tao para sa sariling interes. Maraming nagkalat na bank account sa labas ng bansa at doon nila ginagastos ang pera na ninakaw nila. Ito ay dahil sa World Government na pinabayaan na din ang lahat. Kung ang pera ng mga tao ay nasa tama lang ginagastos, maging ang ibang pinuno sa mga bansa na nagpapa-kontrol sa World Government ay hindi na kailangang magnakaw. Gagamitin sa tama ang pera para sa mga proyekto."
"Ang ilang bansa sa Asya ay walang pakialam sa iba." Sabi naman ni Kelvin. "Gaya ng Japan at Korea. Inuuna nila ang bansa nila. Ni hindi sila marunong ng salitang ingles dahil hindi na kailangan. Sa pagkakaalam ko ay sila ang didigma at kakampi kay Greg."
Tumayo si Dionne. "Papasok muna ako sa kwarto ko para mag-isip." Sabi niya. Lumapit siya kay Sono. "Mamaya na tayo magkita. Magpapahinga lang ako."
Sumapit ang gabi. Nagsama-sama ang lahat sa hapagkainan. Isang mahabang lamesa ang nasa harapan nilang lahat. "Bukas din ay darating ang ilang private chopper na binili." Sabi ng Hari.
"Maigi." Sagot ni Dionne. "Pwede na kayong makauwi nang hindi sumasakay ng barko." Sabi niya sa mga kasama niya.
"Pero ano ang plano mo?" Tanong ni Andrei kay Dionne.
"Dito lang ako. Hindi ako aalis."
Narinig ni Sono ang sinabi ni Dionne. "Yehey!" Natuwa siya dito. Ngumiti ang hari.
Maya maya lang ay nagkausap uli sila ng hari kasama si Kaled. "May ideya ka ba kung sino ang dalawa pang anak ni Greg?" Tanong ni Demetri kay Dionne.
"Sa ngayon hindi ako interesado. Pero kung sasabihin niyo, nakahanda akong makinig."
Tumingin si Demetri kay Kaled kaya nabigla si Dionne. Nakatingin lang si Kaled kay Dionne. "Hindi ko na siya kinilalang ama." Sabi nito.
"Hindi ako makapaniwala." Napansin ni Dionne ang buhok nito at ang mata. Hindi maikakaila na kapatid ito ni Sono at nagulat siya sa isa pang napansin niya. Kayumanggi ang kulay nila at ang hibla ng buhok nila ay manipis. Naalala niyang bigla ang sinabi ni Nao.