147. Black Mamba

95 1 0
                                    

Muling nagbalik si Dionne at Ursula sa Josue.

"Dumadaan lang sila tapos umaalis na." Sabi ni Salve kay Ursula at Dionne.

"Wala ba silang hinahanap?" Tanong ni Ursula.

"Parang meron. Hindi naman sila nagtatanong."

Napaisip ang dalawa. "Bakit kaya?" Tanong ni Dionne.

"Kung tama ang kutob ko, may hinahanap nga sila pero hindi nila ipinagtatanong. Siguro iisipin nila na nagtatago tayo." Sabi uli ni Ursula.

"Pero madali naman paaminin ang mga tao." Sagot naman ni Dionne. "Tatakutin nila at mapipilitang lumabas ang hinaganap nila."

"Pwedeng ayaw na nilang gawin 'yun dahil lalo lang silang mapapalaban at isa pa, makakatakas tayo agad. Inaalam lang nila kung makikita nila tayo."

"Pareho din 'yun. Kapag nakita natin sila pwede tayong tumakas dahil alam na ng mga tauhan ni Adonis kung nasaan tayo."

Nag-isip si Ursula bago magsalita. "Ito naman ang akin, baka kakausapin nila tayo at maghahanda ng patibong. Kunyari mga kakampi sila at sasabihing walang problema. Pero ititimbre nila agad kay Adonis."

"Pwede 'yun. Kaya mas maiging hintayin natin sila."

Nagsalita uli si Salve. "Hindi ko nga pala nasabi sa'yo, Binibining Inuoe, ikinulong nila si Jet."

"Si Jet na nakasama ko dito noon?"

"Oo. Dinakip siya ni Adonis noong isang taon. Ilang buwan na din ang lumilipas."

Nabigla si Ursula. "Andito pa pala si Jet."

"Bumalik siya isang buwan matapos siyang umalis. At umalis ka na din noon kaya hindi mo siya inabot. Naninarahan siya dito hanggang sumulpot si Adonis. Sa pagkaka-alam ko maraming nahuli si Adonis."

Huminga ng malalim si Ursula. "Paano ko kaya siya maililigtas?"

Nagsalita si Dionne. "Sino sino naman kaya ang mga hinuli ni Adonis?"

"Narinig ko lang. Pero hindi ko mga kilala kung sino ang mga kinulong nila."

"Ganun ba?" Napaisip uli si Ursula. "Saan kaya siya dinala? Sa head quarters kaya?"

"Hindi kaya may kulungan sila dito?" Sabat ni Dionne. "Sa pagkaka-alam ko, ikukulong sana tayo."

"Oo tama ka. Kailangan natin silang hintayin dito."

"Salve, Salve!!" Banggit ng isang lalaki na pumasok sa restauran.

"Bakit, Toto?" Tanong ni Salve.

"Andiyan na naman sila."

Tumayo si Salve kasama si Dionne at Ursula. Lumabas sila at napansin nga nila ang grupo ng mga tauhan ni Adonis. Sinalubong ito ni Dionne at Ursula kaya napatigil ang mga ito.

"Nandito pala kayo?" Tanong ng Pinuno.

"Mayson, tama ba?" Tanong ni Ursula. "Anong kailangan niyo?"

Napatitig muna si Mayson kay Ursula. "Pinag uutos ni Adonis na hanapin kayo."

Sumingit si Dionne. "Paki sabi pumunta siya dito." Hinarang ni Ursula ang kamay niya kay Dionne na nagsasabing mali ang sinabi nito.

Humarap si Ursula kay Mayson. "Hindi namin siya gustong makita. At sana wala kang nakita." Magsasalita sana si Dionne pero inawat siya ni Ursula. "Ako muna ang magsasalita. Ako ang bahala."

"Pero."

"Basta." Humarap si Ursula kay Mayson. "Tatapusin kita para hindi ka na makarating kay Adonis." Banta ni Ursula.

Dead Or Alive [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon