111. Respetadong Krimimal

233 9 0
                                    

Nagsi-tayuan ang mga tao bukod sa isang lalaki na patuloy parin kumakain na tila walang pakialam sa narinig niya. Nag-katinginan lang uli si Luna at Dionne na problemado ang itsura.

Nahintakutan naman ang ilang kumakain pero kahit may tensyon na namamagitan sa paligid ay hindi sila umalis para saksihan ang nagaganap na paghuli ng bounty hunter sa isang kriminal.

"Siya ay may bounty na 15 Million dollar." Nagulat ang ilan sa sinabi ng lalaki. Hindi naman alam ni Dionne ang gagawin niya dahil hindi niya inaasahan ang mangyayari. Nakatingin lang siya dito. "Tumawag kayo ng mga pulis ngayon din at makipag-tulungan. Para may hati kayo sa 15 Million."

Kinapa ng isang tao ang diaryo sa tabi niya. Nagulat ito at nagsalita. "Totoo nga!" Tumingin sa kaniya ang lahat at nakitang may binabasa siyang diaryo. Napapikit na lang si Dionne. Nagpatuloy ang lalaking may hawak ng diaryo. "Siya ang nagpasabog ng isang malaking factory sa West Jiao-long na nadamay ang ilang maliliit na pabrika. Hinuli siya ni Vince at tumakas.." Ngumiti ang bounty hunter.

Tumayo naman ang isang lalaki na walang pakialam sa nangyayari at lumapit. "Isa kang Marionette ayon kay Vince." Napatingin naman sila lahat dito. "Kung totoong Marionette ka, may dahilan ang lahat ng ginagawa mo. Hindi lang para gumawa ka ng krimen. Ayon sa diaryo na nabasa ko kanina lang, nilusob mo ang Pentagon nang nag-iisa."

Doon nagulat ang nagpakilalang bounty hunter. Nagsalita ang lalaking may dala na diaryo. "Layunin niyang linlangin ang mga heneral dahil kasabay nito ang pagpapapatay sa Presidente. Ayon sa nabasa ko ngayon lang." Nakatingin parin ang lalaki sa diaryo.

"Mali ang balita." Sabi naman ng lalaki na walang pakialam. "Huwag kayong maniniwala sa nababasa niyo. Itinakas niya ang bato." Nagkatinginan si Luna at Dionne. Humakbang si Dionne paatras kaya napansin ito ng mga tao. "Sandali lang." Sabi uli ng lalaki. "Walang naniniwala tungkol sa bato pero totoo ito. Mahalaga ang bato na itinakas niya mula sa Pentagon. Kung totoong Marionette siya, wala siyang ibang dahilan para gawin ito kundi iligtas ang maraming tao."

"Teka muna!" Sabi ng bounty hunter. "Masyado niyong inilalayo ang kwento. Walang balita na ganiyan. Ito ang diaryo." Ipinakita niya na mahaba ang buhok ni Dionne. "Ayon sa kakilala ko, malapit lang siya dito dahil may nakakita na sumakay siya ng barko. Anong bato ang pinagsasasabi niyo? Kahapon lang ang diaryo na ito."

Tumawa ang lalaking walang pakialam. "Hindi ka naniniwala?"

"Bakit ako maniniwala sa inyo? Akina ang diaryo." Lumapit ang bounty hunter sa lalaking may dala na diaryo. Hindi parin kumikilos si Dionne para tumakas. Nanlaki ang mata nito nang makita niya ang bagong itsura ni Dionne.

"Naniniwala ka na?" Ngumiti ang nagsalita. "Totoong itinakas niya ang mga bato. Mali ang balita diyan. Kaya sigurado akong nanganganib ka ngayon dahil kung totoo ang sinasabi ko'y walang makakagawa ng nagawa niya kundi ang taong kayang labanan ang mga Special Force sa Pentagon. Ngayon kung nag-iisa ka lang kasama ang mga taong plano mong hatian ng reward ay nagsasayang lang kayo ng oras. At kilala kita.." Lumapit ito sa bounty hunter na gulat na gulat. "Hindi ka bounty hunter talaga. Napadpad ka lang dito dahil nagtatago ka. Iniisip mo siguro na mahina ang kaharap mo at tanging malaking krimen lang na pinasok nito ay ang pagbomba sa West Jiao-long dahil siya ay nanggaling sa maliit lang na reward. Nagkakamali ka. Ako ngayon ang huhuli sa'yo. Isa akong totoong bounty hunter."

Maging si Dionne ay nagulat. Hindi na niya talaga alam ang gagawin niya. Umatras uli siya. "Napag-utusan lang ako." Takot na sabi ng nagpakilalang bounty hunter."

"Pagkakakitaan kita. May sampung milyong dolyar na patong sa ulo mo, George." Lalong nahintakutan ang lalaki. "At ang Binibining ito ay hindi ko huhulihin. Bukod kasi sa hindi ko siya mahuhuli ay gusto ko ang ginagawa niya. Marami akong alam na hindi niyo alam. Makakaalis ka na, Dionne Parker."

Dead Or Alive [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon