158. Ang Kasinungalingan Ni Greg

62 2 0
                                    

SEASON 7: Luna Vs WanJinhi

Dala dala ni Luna ang ilang gamit habang naglalakad siya sa pinaka-ibabaw ng palasyo. Kasama niya si Nao, Sono at Kaled. Naghihintay sa kaniya ang isang Chopper para ihatid siya sa Pilipinas. Hanggang makarating na siya at nakita na nila ang Chopper. "Oh pa'no, sasakay na ako. Hintayin niyo na lang ako at babalik ako pagnatapos na namin ang misyon."

"Ate Luna, sana bumalik ka." Sabi ni Sono.

"Oo naman, pangako 'yan."

Lumakad na si Luna para sumakay sa chopper. "Wala pa si Ate Dionne. Ang sabi nila darating na." Malungkot na sabi ni Sono.

"Huwag kang mag-alala." Sabi naman ni Nao. "Totoo ang balita na uuwi na siya."

Nakita nilang umakyat na sa itaas ang chopper. Kumakaway si Luna sa kanila. Kinawayan din nila ito. "Kung hindi lang sana namatay si mama at papa ko."

"Huwag mo na sila isipin." Sabi naman ni Kaled. "Tara na sa baba. Lalo ka lang malulungkot dito."

"Pero, hindi ko talaga sila malimutan." Umiyak si Sono. Lumakad ito nang mabilis. Nagkatinginan lang si Nao at si Kaled.

"Hanggang ngayon nalulungkot parin siya. Kaya mas gusto ko nandito si Dionne para samahan siya." Sabi ni Kaled.

"Masakit mawalan ng nanay." Sagot ni Nao.

"Tama ka. Ikaw? Nasaan na ang magulang mo?"

"Nasa Japan sila."

"Taga Japan ka din?"

"Oo pero hindi nila ako tinuring na anak dahil anak lang ako sa pananamantala. At ang napang-asawa ng nanay ko ay hindi naman ako gusto. Mas mahal ng nanay ko ang naging asawa niya kesa sa'kin. Mas nanaisin ko pa ang kalagayan ni Sono kesa kalagayan ko ngayon."

Naglakad sila pababa. "Paano ka napadpad kay Vince?"

"Dinala ako doon ni Greg."

Nagulat si Kaled. "Si Greg?"

"Oo siya." Tumingin si Nao kay Kaled. "Di ba kapatid mo si Sono?"

"Oo at si Greg ang ama namin."

Titig na titig si Nao kay Kaled. "Kaya pala bukod sa magkamukha kayo ni Sono, kamukha mo din si Greg."

"Oo. Alam mo naman na taga dito siya."

"Nakilala ko siya sa Japan. Sikat siya doon. At nang magkaroon ako ng pagkakataon na makausap siya ay akala niya manghuhula ako. Kasi nabasa ko lahat ng nasa isip niya. Ang hindi niya alam, binabasa ko ang bukang bibig niya nang makita ko siya. Habang maraming taong nakapaligid sa kaniya, nalaman ko lahat ng plano niya. Bata pa ako noon pitong taong gulang nang makilala ko siya."

"Labing anim na taon ka na 'di ba?"

"Oo."

"Siyam na taon na ang lumilipas."

"Oo, at matagal din akong nanilbihan kay Vince."

"Bakit ka niya doon dinala?"

"Hindi ko din alam. Pero gusto niyang matulungan ko si Vince. Natuwa ako dahil kahit bata pa ako ay hirap ako sa Japan. Pero nang mapunta ako kay Vince, laging masasarap ang kinakain ko at hindi pa ako nagtatrabaho ng mabigat. Ang trabaho ko lang ay basahin ang sinasabi ng mga hindi nila kakilala."

"Oo nga, malaking tulong ka nga. Pero hindi ka isinama ni Luna. Bakit kaya?"

"Ayaw nilang may mangyari sa'king masama. Baka magalit si Dionne. Hindi lang daw kasi ako ordinaryong nakilala lang ni Dionne. Gusto ko sanang makatulong sa kanila."

Dead Or Alive [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon