189. Ang Malalim Na Kahapon

26 2 0
                                    

Kausap parin ni Dionne si Andrei nang umalis na si Karen. "Ang pinagtataka ko lang, bakit ang dalawang bata ang kailangan ni Judah? Dahil ba sa may reaksyon siya nang makita niya ang dalawa?" Tanong ni Andrei kay Dionne.

"Hindi ko din alam. Gusto ko uli na makita niya ang dalawang bata. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pero hinala ko talaga may koneksyon ito sa ala-ala niya. Hindi siya isang Amerikano." Sagot ni Dionne.

"Bakit wala siyang reaksyon nung makita niya ang mga gamit niya? Maraming nagkakaroon ng amnesia na nagagamot ng panahon o makita ang ilang mahalagang parte ng buhay niya tulad ng lugar o ang taong isa sa importanteng kaibigan niya." Napapaisip lang si Andrei.

"Kaya nga kailangan nating alamin. Ngayon din, kahit ipagbawal pa ng doktor, gagawin ko. Dahil hinala ko talagang ang dalawang bata ang susi para sa ala-ala ni Judah."

"Pero ayaw mong ibalik ang ala-ala nila 'di ba?"

"Nang malaman kong nagkaroon nga siya ng reaksyon sa dalawang bata, naisip kong baka may alam siya sa lahi nila at doon siya nanggaling sa Kyra. Una, hindi ko alam kung bakit kakaiba ang kinikilos ni Judah. Alam mo bang, nang malaman niyang may kasalanan siyang ginawa, alam na niya ang kinalalabasan. Alam niya ang dahilan kung bakit nakakulong siya."

Napaisip uli si Andrei. "Tulad nang sinabi niyang hindi niya ako sasagutin sa tanong ko. May punto ka. Kakaiba nga iyon. Parang may alam siyang dapat niyang gawin at siguro alam din niyang marami siyang nakalimutan. Kusa na niyang nalaman na masama siya dahil nakakulong siya, tama ba?"

"Oo at alam niyang may amnesia siya sa umpisa pa lang. Kaya naging limitado ang sagot niya sa manggagamot."

Doon parang nabigla si Andrei. "Ano ba ang mga tanong?"

"Hindi ko alam pero ang sabi ng manggagamot, ayaw daw ipaalam ni Judah na may amnesia siya. Kaya nang ipaalam namin na may kasalanan siyang nagawa, buong puso niyang tinanggap kung bakit siya nakakulong."

"Kung tama ang hinala ko, matalino nga talaga itong si Judah. Kahit halata na may amnesia siya, sinubukan niyang hindi ito ipahalata kaya tinanggap niya ang kaparusahan. Alam na ba niya na alam niyo?"

"Oo syempre sinabi ko."

Napaisip uli si Andrei. "Kung ako ang lalagay sa katayuan niya, oo tatanggapin ko ang parusa dahil kung tatakas ako ay mahahalata na nalimutan ko ang lahat. At wala akong idea sa nagawa ko kaya limitado ang kilos ko. Nang malaman ko naman na nalaman niyong may amnesia ako, hindi ko alam ang gagawin ko kaya susundin ko na lang ang gusto niyo. At kung totoo ang hinala mo na may lahi siyang Hebereo, kung sino ang pinaka-boss, 'yun ang susundin ko at ikaw nga iyon."

Si Dionne naman ang napaisip. "Tama, hindi ko naisip ang mga sinabi mo. Maaaring may lahi nga siyang alipin kaya kakaiba ang kinikilos niya at nagawa niyang magpanggap na ordinaryong bilanggo kaya nahulaan niyang may kasalanan siya. Ang pagkakamali lang niya, nalimutan niya ang ugali niyang pinapakita noong hindi pa nawawala ang ala-ala niya kaya hindi epektibo ang pagpapanggap niya."

"May isa pang option sa simula pa lang, mabuti at hindi siya nagpanggap na nawalan ng ala-ala kahit hindi naman. Kung nangyari 'yun, talagang matalino siyang talaga. At mabuti na lang dumating ang dalawang bata na iyan dahil kung malalaman ko lang kung gaano siya katalino, baka pagbintangan ko siyang nagpapanggap lang hanggang ngayon. Hindi kasi pagpapanggap ang pagsakit ng ulo niya. Palatandaan na totoong may amnesia nga siya."

"Oo nga ano? Matatalino lang ang kayang magpanggap na may amnesia at magpanggap na walang amnesia."

"Sige, subukan nating ipakita uli ang dalawang bata."

-

Kinausap naman ni Demetri si Kaled. "Hindi natin alam ang mangyayari kung ano ang mangyayari kapag nagbalik ang ala-ala ni Judah." Sabi ni Demetri.

Dead Or Alive [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon