103. World War

743 18 2
                                    

SEASON 5: The Final Attack

Isang malaking lalaki ang tumalon mula sa isang eroplano. May suot siyang rocket ngunit gumamit siya ng parachute para makababa. Plano niyang bumaba sa itaas ng White House na nasusunog sa mga oras na ito. Nang makababa siya ay hindi na siya nagdalawang isip na pasabugin ang tinatapakan niya. Naglagay siya ng bomba para mabutas ito at makarating agad sa ibaba. Nang makababa siya ay walang tao pero nagpunta siya sa hagdanan. Bumaba siyang muli at nang wala siyang makitang hagdan pababa ay naglagay uli siya ng maliit na bomba sa sahig para mabutas ito. Bumaba uli siya hanggang makarating siya kung saan maraming tao na naka-uniporme.

"Nasaan ang Presidente?" Tanong ng lalaking ito na makapal ang boses.

"Wala siya dito. Nakaalis na!" Sagot ng isa.

"Hindi ako naniniwala! Tatapusin ko kayong lahat kapag hindi niyo siya nilabas."

"Hindi namin siya ilalabas. Mahalaga ang kaligtasan niya. Hindi mo siya pwedeng kunin."

Tumingin lang ang lalaki sa nagsasalita sa unahan saglit bago muli itong nagsalita. "Ilabas niyo na dahil wala kayong pagpipilian."

"Hindi pwede! Patayin mo na lang kami."

"Kapag pinatay ko kayo ay hahanapin ko siya saan mang sulok ng palasyong ito kaya ilabas niyo na para kahit papaano ay tumagal pa ang mga buhay niyo!"

May narinig silang boses mula sa likod. "Andito ako!"

Lumingon sila. "Mr. President!" Nagulat ang ilan sa nakita nila.

Ngumiti ang malaking lalaki. Nagsalita ang Presidente. "Ako ang kailangan niya. Sasama ako para hindi na kayo mapahamak pa."

"Pero sir, kailangan niyong mabuhay. Bakit lumabas pa kayo? Kahit anong gawin nila ay poprotektahan namin kayo."

"Wala tayong pagpipilian." Lumapit ang Presidente sa malaking lalaki.

"Mr. President!" Awat ng isa.

"Gusto nila akong patayin kaya mas maiging ako na lang para wala nang madamay pa. Maging tapat sana kayo sa susunod na magiging pinuno."

Lumapit ang Presidente at wala nang nakapigil pa dahil takot din sila. "Mabuti at naisip mo 'yan." Sabi ng malaking lalaki. "Nanganganib ang buhay mo sa lugar na ito. Sumama ka sa'kin." Hinawakan agad ng lalaki ang Presidente at umakyat sa itaas gamit ang matibay na sinulid na nanggaling sa kaniya. At hinatak sila nito paakyat. Hanggang makarating na sila sa pinakatuktok ng Palasyo. Lumipad sila gamit ang rocket.

-

"Ms. Wong, kinuha ng lalaking terorista ang Presidente!" Sabi ng isang empleyado sa Pentagon.

"Paano mo nalaman?" Tanong ni Karen.

"Tumawag ang isang sundalo na nandoon ngayon lang. Wala nang pag-asang mailigtas pa ang Presidente."

Nagalit si Karen. Nakatingin lang si Dionne at Andrei. "Paano na 'yan?" Tanong ni Dionne. "Hindi na natin siya maililigtas."

"May palagay akong ligtas siya." Singit ni Andrei. Tumingin sa kaniya ang lahat. "Kinuha at hindi pinatay. Kung buhay lang ng Presidente ang kailangan nila bakit pa nila bibihagin ang Presidente. Wala halos kakampi ang Presidente dahil kaaway niya ang majority sa mga kasapi ng Gobyerno dito sa America. May kutob ako na mabubuhay siya kahit bihagin pa siya. Hahayaan na lang siyang patayin at palalabasin sa mga tao na patay na ang Presidente. Walang magagawa ang mga terorista at alam nilang wala silang mahihita sa Presidente."

"Gaano ka nakakatiyak diyan, Andrei? Hindi mo alam ang nangyayari sa paligid para hulaan mo ng ganito ang lahat!" Tanong ni Karen.

"Dahil sa mga nangyayari sa'tin. Ang bato, bakit nilihim nila? Dahil totoong may masamang plano sila. Ayaw nilang ipaalam sa Presidente at ang pagpatay sa Presidente ang mabisang solusyon para itago sa mundo ang masamang plano nila. Pero bakit bibihagin pa nila? Ano ang gusto nilang mangyari? Ano ang hihingin nilang kapalit?"

Dead Or Alive [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon