03

7 0 0
                                    

Papalapit na ng papalapit na iyong on job training namin. Busy na iyong ibang ka-blockmates ko sa paghahanap kung saan mas magandang pag-training-an. Kanina pa kami nag-uusap ni Calista kung saan mas maganda sa dalawang airlines dahil parehong sikat iyong dalawa pero hindi pa namin alam kung ano ang may mas magandang training.

"Sa Dipolog ba o doon sa malapit na lang?" huling tanong niya para makasigurado na talaga.

"Kung saan mas malapit," sabi ko na lang dahil alam ko na hindi niya ako titigilan sa kakatanong.

"Siguro kapag marami rin tayong pera sa ibang bansa na rin tayo mag-o-OJT!" sabi pa niya pero nanatili lamang akong tahimik.

Hanggang sa makaramdam ako ng gutom ay inaya ko na lang siyang kumain ng aming pananghalian.

"Tara, bili na tayong itlog."

Lumabas na kami at pumunta sa aking karenderya malapit lang din dito. Dito kami madalas kumakain ng dalawang itlog para sa pananghalian namin kapag hindi ako nakakadala ng itlog. Calista and I became friends on our first day in our fourth year. Paano ba kasi daldal ng daldal sa akin at nakasanayan ko na rin naman. Sayang nga rin dahil ngayong taon lang kami naging magkaibigan.

"Apat na itlog ho Ate!" narinig ko na sabi niya sa tindera habang ako ay naghahanap ng mauupuan.

This little eatery serves delicious foods, kaya kapag minsan na hindi ako nakakain ng almusal nang dahil sa pagmamadali ko ay dito na ako dumiretso. Plus, it is affordable than the other eateries here. Palagi pang may libreng sabaw.

Hindi naman nagtagal ay dumating na siya sa lamesa namin na may dalang apat na itlog at platitong may nakalagay na asin at sili.

"Belle," tawag niya sa akin habang dinidurog ko iyong sili.

Tumingin ako sa kaniya at tinaasan ng kilay.

She mouthed something on my back. Kaya lumingon ako sa bandang likuran ko nakita si Jeu na parang may hinahanap. Nang magawi sa akin iyong tingin niya ay ngumisi ito sa akin.

Ano na namang problema nito.

"Ano?" masungit kong tanong sa kaniya nang makalapit ito sa amin.

He rolled his eyes at me. He looks so annoyed.

Ano na naman bang ginawa ko?

"Is that for your lunch? Seriously? Two eggs?" nagmamaktol nitong tanong sa akin.

Naku! Kung alam niya lang kung gaano kastrikto sa katawan iyong mga professor namin! Kaysa naman mag work out pa ako, mas nakakapagod lang 'yon. At kapag mapapagod na ako sa kagagawa non, paniguradong tataba ako.

"And what's wrong with eggs? It's protein," sagot ko na lang.

Paniguradong magmamaktol na naman itonng lalaking ito kaya inunahan ko na siya. Sinenyasan ko si Calista na umalis na at sumunod ako sa kaniya. Naririnig ko pang tinatawag pa niya ako ngunit hindi ko na ito nilingon pa.

Napakaarte.

Buti na lang at dinala niya iyong isa kong itlog kaya doon na lamang kami kumain sa may oval.

Tangna, wala na tuloy kaming asin na may sili.

Nakakabadtrip itong si Jeu e, hindi naman siya ganito noon. Parang nagdalaga, tangna!

"Naku! Feeling ko talaga may gusto iyong si Jeu sa iyo, Bella. Halata naman talaga!"

"Tumahimik ka na lang kung gusto mong may kasama ka pang kumain!" sabi ko sa kaniya na ikinatawa naman niya at hindi na nagsalita pang muli.

Way Back Home Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon