13

3 1 0
                                    

"Huwag kang tumabi sa akin mamaya, kung ano ano na lang ang lumalabas diyan sa bunganga mo."

"Biro lang naman 'yon Susan, diba Bella?"

Tumango na lang ako kay Uncle at saka pekeng tumawa.

Hinintay ko na lang rin silang matapos kumain at naghugas na ng plato. Pinunasan ko na ang mga plato bago pa ako nanuod ngg palabas sa sala. Wala rin naman akong nagustuhanna palabas kaya umakyat na lang sa kuwarto at inayos ang ibang gamit.

Inilabas ko na iyong hindi ko magagamit na mga damit para ipamigay na rin bukas kung may makita akong mga bata sa kalsada na wala na masyadong damit. Hindi naman iyong masyadong mga gamit na, iyong iba ay hindi ko pa nga nagagamit pero hindi lang talaga kasya kaya kailangan ko na ipamigay dahil may iba pang mas nangangailangan.

Natapos na ako ng mga alas dyes ng gabi at naligo na rin dahil baka puno na ng alikabok ang buong katawan ko. Hinayaan ko na lang rin ang buhok na matuyo habang kinakalikot ang cellphone dahil wala na talaga akong ibang magawa pa.

I opened my message request too see if there are another brands or shops who wants me to promote their products as well. May nakita ako kaya tiningnan ko iyong profile nila at nireplyan na rin. Inilagay ko ang address at contac number para madali lang akong makontak kapag kakailanganin nila.

Dumarami na rin iyong followers ko. Malapit na itong umabot ng tatlumpong libo kaya nadadagdagan na rin iyong ibang shops na gustong magpapromote sa akin. Hindi ko naman iyon inakala dahil nagsimula lang naman iyon sa isang pageant na napalanunan ko at sinabing itag ko lang raw sila sa post ko. Hindi ko rin naman talaga ipopost iyon kaso may nagsabi lang sa akin kaa ginawa ko na lang rin.

Pinagatuloy ko lang iyong pagbabasa ng mga mensahe at may nakita akong pamilyar na mukha kaya agad ko iton tiningnan.

Rawrlyboi:

Belle..

Good evening.

Mangungulit ang ako rito.

YuHoOooOooOooooOoooOo.

Iyon lang iyong naunang lumabas, marami pa iyong kung tutuosin ko. Pero hindi ko na rin kakayanin pa dahil sa sobrang dami non. Nakakangalay sa kamay sa sobrang dami. Iyong iba pa doon ay isang taon na ang nakalipas.

Bellami:

yes?

Hindi pa iyon umabot ng isang minuto galing sa pagkasend ko pero nakita ko na typing na siya. Bakit hindi pa siya natutulog?
Nagulat ako nang husto ng maalala ko na posibleng nandoon siya sa gym at hindi ako nakapasok. Tangna! Nakalimutan ko, may trabaho pala akong hindi napasukan kanina. Kaya pala parang may nakalimutan ako.

Rawrlyboi:

are you sick or something? I didn't see you.

or you were avoiding me?

Todo iyong naging kaba ko dahil sa tanong niya. Hindi niya naman ako paniniwalaan kahit sabihin ako sa kaniya na nakalimutan ong pumasok dahil imposible naman iyong mangyari, pero nangyari naman. . .

Bellami:

I am so sorry sir, I honestly forgot to attend my job, believe it or not.

I sincerely apologize, Mr. Marcil.

Rawrlyboi:

If that's the case, then I accept your apology.

Done with the formalities, it's making me cringe when I am doing it with you hahehihe.

BTW Belle, my twin was looking for you earlier today.

He said he has something to give to you, gusto ko lang ipaalam sa iyo. Baka importante.

Way Back Home Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon