10

4 1 0
                                    

"Hala Sir."

"Yes, Madame?"

"Ang korni niyo po."

"Do I look like an old boss with hair that is panot?" parang naiiinis na nitong tanong sa akin.
Ano na namang problema nito. Ang bipolar masyado. Alangan namang tawagin ko siya sa pagalan niya? Baka masabihan pa akong walang respeto sa boss ko. Parang tanga lang, ang conyo pa magsalita.

I end up laughing at him and now, he looked confused. So I stopped.

The both of us looked at each other in an awkward way so we both end up laughing at each other. Parang mga tanga lang talaga.

"Pili ka na,"

"Ikaw na nga lang."

"Hindi nga kasi ako kasama sa menu."

I glared at him and unconciously said. "Potacca."

There was an awkward silence at us after I said it. But I never regretted it. I don't care either on what is on his mind. I am so done caring about others opinion, I know myself better than they knew me and as if their opinion matters.

He sighed before he picked himself his order. "One roasted chicken for me and barbeque."

The waiter looked at me, waiting for mine.

I stared at my boss because I don't know what to say neither to order. Tingin ko naman ay naintindihan niya iyong pinaparating ko kaya siya na lang iyong sumagot para sa akin.

"Chicken for her and also barbeque." he said my order but I corrected it and said that I do not eat pork.

"I don't eat pork."

His lips were swung open. "Oh, sorry. How about meat?"

Umiling rin ako sa kaniya. "Manok na lang."

Sana ako na lang pala iyong nagsabi ng pipiliin ko na pagkain dahil mas naparami ata iyong sinabi ko. Kaya medyo nainis ako minsan sa kaartehan ko e,

"Is green salad fine for you?"

"Hindi rin, magmumukha lang akong kambing sa harap mo." sagot ko pero tumawa ito.

Nakita kong pinipigilan lang ng waiter iyong tawa niya kaya sinabi ko na lang rin na. "Tawa ka lang, baka mabilaukan ka pa."

Tumawa iyong lalaki pero mahina lang naman. Narinig ko na rin na tumawa iyong kaharap ko. Walang hanggang katapusang katatawanan. Nang umalis iyong lalaki ay huminga na ako nang malalim at binuo ang sarili.

Gusto ko na lang manahimik para iwas sa kamalditahang taglay ko.

Mahabang katahimikan na naman ang naganap nang umalis na iyong lalaki. Wala na akong masabi pa sa kaniya kaya hindi ko na lang siyang tiningnan pa at pinagmasdan ang buong restawran dahil alam ko sa sarili kong hindi na muli akong makakabalik pa rito. Lalo na at mukhang mawawalan na ako ng trabaho pagkatapos ng araw na ito.

Nang inihatid na iyong pagkain namin ay mas lalong kumalam iyong tiyan ko kaya hindi na naghintay pa at kumain na. Masarap iyong manok kaya naging masarap rin iyong kain ko kaya nang namamalayan pang paubos na iyong pagkain ko ay dinahan dahan ko na iyon pagkain ko.

"You want to add rice?" napatingin ako sa kaniya nang bigla itong nagtanong sa akin.

Muntik ko pa makalimutan na may kasama pala ako rito na siya rin ang dahilan kung bakit ako nakakain dito.

Hindi ko na rin namalayan ang sarili na tumatango at sinabi pang. "Nahihiya ako."

"Ako na bahala."

Ewan ko ba sa sarili ko pero parang naramdaman koong may paru paru sa loob ng tiyan ko. I've never felt this before. This is an unknown feeling. Pero ramdam ko iyong may bahiid na pagkatakot sa kaloob looban ko.

Way Back Home Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon