08

5 0 0
                                    

"Pag-iisipan ko pero baka ma-bash lang." idinaan ko na lang sa tawa iyon.

Tumawa lang si Aira at nagpaalam na sa kaniyang vlog upang hindi daw siya masagasaan. Nauna na iyong ibang kasama namin at naiwan na kami ng sobrang layo. Inilagay niya ang kaniyang camera sa loob ng kaniyang bag.

She faced me before saying, "B, you should consider to start vlogging, it pays good. Marami ring opportunities na darating sa'yo. Marami na rin naman kasing sumusuporta sa iyo kaya hindi ka na mahihirapang magkaroon at saka, kahit hindi lang ganoon karami iyong subscribers ko, promote na lang rin kita kaya sama ka sakin sa ibang vlogs."

Aria will really help me to start a channel though it never came across my mind. Nakakatakot rin kasing mabash kahit hindi ko naman iyong masyadong pinakikialaman. Gusto ko rin kasi na mahuhay ng may matiwasay na buhay. I want to sleep every night na alam kung  wala akong ginagawang masama.
Nothing beats a good sleep at night.

"Pag-iisipan ko." iyong na lang ang sinabi ko para hindi na niya ako guluhin pa.

Nakarating kami sa isang kainan na mai-ingay ang boses, halos sila lang. Tumabi ako kay Aria dahil iyo ang sabi niya upang makita na naman ulit ako sa vlog niya. Dapat may bayad ako rito e, grabe na iyong exposure ko sa vlog niya.

"Malaki-laki  na ang mayayabayad mo sa akin, grabeng exposure na 'to." sabi ko sa kaniyang habang nakatapat na sa amin ang camera niya.

Tumawa iyong ibang kasama namin at nanghihingi ng libre galing sa kaniya. Umi-iling si Aria habang patawa tawa na.

"Guys, unsubscribe kayo kapag hindi ito manlilibre sa amin." saad ng isa pa na kasama namin .

We all laugh at his statement and pursued Aria to pay for our lunch. Tumatawa lang siya at patuloy pa rin sa pagkausap sa camera niya. Hindi ito pinigilan ng iba kaya sa huli ay ito na ang nagbayad sa aming kinain.

"All in talaga kami sa vlog mo A, bata palaging may pagkain." sabi pa ng isang babae na may kulot na buhok.

Medyo nagtagal kami roon sa kainan dahil pinagkakatuwaan namin si Aira. She is the most outgoing among us and she is earning her own money since she was in high school. Her parents has their own business and she is the only child, salungat sa pinagsasabi niya sa akin. It is clear that she does not want to brag about her parents income and hers. Lalo na at marunong itong humawak ng pera. Kaya rin talaga hindi halata sa kaniya na mayaman dahil  kahit kailan ay hindi niya to pinagyabang. Bagay na nagustuhan ko sa kaniya maliban sa hindi pagiging marte.

"Uwi ka na?"

Hapon na at uwian na namin, may isang eroplano pa na parating pero hanggang alas singko lang talaga kami ng hapon, lalo na nung nalaman nilang ang iba sa amin ay nagtrarabaho na.

Tumango ako sa kaniya at binuksan naman niya iyong sasakyan. Tumabi ako sa kaniya at nag-usap kami tungkol sa nangyari kanina. Sabi niya rin na sabay na lang daw ako sa kaniya kada hapon upang hindi na ako gagastos pa ng pamasahe. Konti na lang rin siguro ay sasabihin na niyang sabay na rin kaming pumasok dahil minsan niya na akong nakitang problemado sa pera.

"Saan ka ba?"

"Miracle's, madadaanan niyo lang ba 'yon patungo sa iyo? Baka maabala ko lang kayo."

"No problem B, there are lots of ways to turn naman."

Nagpasalamat na ako sa kaniya at sa driver niya nang ini-hinto na ako sa labas ng pinagtra-trabahuan ko. Tumingin ako sa  bigay na relo ko upang tingnan na ang oras. Tago akong napangiti nang may tatlumpong oras pa akong natitira, ibig sabihin ay makakauwi pa akok upang makaligo ng saglit at makakain ng aking hapunan. Sa wakas ay hindi na rin magrereklamo yong tiyan ko nang dahil sa gutom ko.

Way Back Home Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon