Gladly, later that morning, the airport set us free. Half day lang rin naman daw iyong flight. Rawl and I contacted each other for this reason. Inaya pa ako ng iba kong kasama rito na sumama sa kanila pero nagsinungaling na lang ako na kailangan ako sa bahay, mabuti na lang at naging benta iyong rason ko sa kanila at hindi na ako kinulit pa.Pumunta muna ako sa grocery store para bumili ng tatlong klase ng junk foods at isang litro ng chuckie sinamahan ko na lang rin iyon isang litro ng tubig. Pagkaabas ko roon ay naghanap ako ng mabibilhan ng masarap na pizza dahil nagcrave ako. Matagal tagal na rin kasi akong hindi nakakakain ng ganoon kaya bibilhan ko na rin iyong sarili ko.
Gusto ko pa sana na bumili ng street foods pero baka hindi na namin iyon maubos at masasayang na lamang. Kaya ng kompleto na iyong plinano ko na pagkain ay sinabi ko na sa kanya kung nasaan ako dahil susunduin na lang raw niya ako at sabay na kaming pumunta doon sa pupuntahan namin pero wala pa naman akong ideya kung saan. Pero sa tingin ko ay sa gym lng namin iyong kakainin para masama rin naman namin si Namiel uang hindi magtampo dahil sa susunod na taon pa raw uuwi sina Lau na dapat ngayong buwan na.
Mabuti naman at hindi ito nagtagal dahil nabibigatan na ako sa aking pinamili dahil hindi naman kalakihan iyong katawan ko. Pumarada naito sa harapan ko at dali daling kinuha iyong pinamili ko, aba dapat lang. Inilagay niya ito sa likod at pabalik nya ay may dala dala na itong isang palumpon ng rosas. May pa bulaklak pa gobernor niyo.
"Salamat Gov." pagbibiro ko pa.
"Walang anuman, unang g-ginang ng bayan." halos matalisod pa ang baluktot na dila nito sa pagsabi non.
Sumakay na kami sa sasakyan niya at saka ko pa lang siya tinanong kung sa gym lang ba kami pupunta para diretso na mamaya sa duty ko, pero binigyan nya lang ako ng isang mukha na hindi ko malama kung ano ba ang kahulugan nito.
"Saan nga? para masabi ko na rin kina Auntie." pangungulit ko at nagsinungaling pa para lang sabihin niya.
"They knew where, Belle." sagot pa nito.
Suko na ako kaya hindi ko mapigilang mapabuntong hininga kasi wala talaga itong balak na sabihin sa akin kung saan. Kunwari romantic. HInayaan lang rin naman niya akong manahimik kaya wala nang nagsasalita sa aming dalawa. And minutes after, I noticed that I was really sleepy and fell asleep.
Nagising na lamang ako nang maramdaman ko na may tumatapik tapik na sa braso ko. Luminga llinga ako sa paligid at nakitang nasa isang mataas na parte na ng lupain. Nasa tabi ko na si Rawl na bumukas ng pintuan sa banda ko.
"We are here Belle."
Kinusot kusot ko pa iyong mga mata ko dahil inaantok pa rin talaga ako. Pinakiramdaman ko na rin kung may muta na ba ako sa mata. I heard him chuckle but I did not bother to look at him. Don Romantiko.
Sumunod na ako sa kaniya nang iwanan ako nito sa kotse niya at nagulat nang makitang may nakalatag na tela na doon kasama ang pinamili ko na pagkain na ang karamihan ay dala niya siguro. Alam ko na nakaawang na iyong bibig ko sa gulat kaya madali ko iyong sinara habang hindi pa ako nakikita ni Don Romantiko. Lalaki na naman ang ulo non dahil nasupresa na naman niya ako.
I look further at the view as I am appreciating it. Matagal ko na itong gustong matungahayan, sakto pa dahil pababa na iyong araw. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatingin doon basta narinig ko na lang na may shutter na ng camera. Sinubukan kong magmukhang maldita habang hinarap siya pero hindi ko iyon nagawa dahil nakatingin na ito sa akin na may ngiti sa may mga labi niya habang dala dala iyong bulaklak sa isang kamay niya at iyongg cellphone naman niya sa kabila na halatang kinukunan ako ng litrato.
Nakakarinig pa ako ng mga shutter mula sa IPhone niya habang tumatawa ako.
"Stop it!" I was laughing when I muttered those words and good thing that he did listened to me.
BINABASA MO ANG
Way Back Home
RomanceAvabella Minoza was known for her murderous look that no one tried to approach her. Her past was quite unusual, unlike fairy tales. But it wasn't big deal for her as long as she had her limbs complete, she's fine. That's what she thought. Until she...