Agad kong binawi iyong tingin ko sa kaniya dahil sa totoo ay hindi ko alam iyong sasabihin ko o 'di kaya ay gagawin. Sino ba naman kasi iyong hindi magugugulat sa biglaang pagsabi niya nito. Nagtutunog sanay na tuloy siya sa pagsasabi ng ganito sa kung sinong babae lang.
Tumayo ako doon at pinagpagan ang bandang pwetan. Naramdaman ko itong sumunod pero hindi ko na lang tininnan pa.
"Salamat pala." sabi ko at ipinag-walang bahala na lang iyong sinabi niya.
"Saan ka nagpapasalamat?"
"Sa hapunan."
Tumango-tango ito na para bang naguguluhan sa sinabi ko. Then a smile was crept on his lips and when another second happened, it vanished.
"Una na ako." dahil gusto ko nang umuwi at matulog.
"Hatid na kita." rinig ko pa na sabi niya pero nakakahiya na talaga tapos alam kong ang awkward na naman mamaya sa kotse niya kapag sasama ulit ako sa kaniya.
"'wag na, salamat." at nagpaalam na.
Tiningnan ko ang oras at sinunod ko naman iyong natitirang pera sa wallet ko. Binilang ko iyon at nakitang kulang iyon. Di na bale, sa kabilang street na lang ako magpapahatid dahil doon lang kasya ang pera ko at maglalakad na lang pauwi.
"Bahala na." sabi ko sa sarili at nagsimulang maghanap ng masasakyan.
Nahirapan pa ako sa paghahanap ng pedicab dahil hindi sila nagpapasakay dahil mag-isa lang ako at pinapahanap pa ng kasama. Mahigit limang minuto na siguro ako naghintay roon haggang sa may huminto na sa harapan ko. Sumakay na ako dito at sinabi ang adress.
"Medina po."
Hindi pa kami nakakalayo doon sa pinanggalingan namin ng biglaang huminto ang motor. Kahit kinakabahan ako ay nagawa ko pang tingnan iyong driver at napamura na lang kung sino ang nakita ko.
"Putangna."
Hindi niya ako tiningnan pero hinubad niya ang suot at niyang hoodie at inabot sa akin.
"Suotin mo muna 'to, nilalamig ka na sa suot mo."
Halos hindi na ako nakatulog sa gabing iyon dahil sa rami nang pinag-iisip. Dumagdag pa 'yong problema ko sa liit na natitirang pera na halos hindi na magkasya ngayong buwan. Kaya hindi na lang talaga ako kumakain ng pananghalian, mabuti na lang rin ay may baon akong mga biskwit na bigay lang rin sa akin.
Kaya ng sumunod na linggo na ay wala na akong ibang nagawa kung hindi ay pumunta sa office nila at makiusap na mag advance. Nahihiya man pero ito na lang ang natatangi.
"Hindi naman sa nang-hihimasok ako sa buhay niyo pero pwede ban malaman kung saan mo gagamitin ang pera?" tanong ng kakambal niya na si Namiel, siya ang naabutan ko sa office kaya sa kaniya na ako naki-usap.
"Sa pang-araw araw ko po." sagot ko.
Hindi ko na nakita ang reaksiyon nito dahil nakayuko lang ako. Sa tagal kong nang nagtratrabaho dito ay ngayon pa lang talaga ako naki-usap para kunin ng maaga iyong suweldo ko. Iyong iba naman ay narinig kong nakakuha na noon pa.
"Ah. Mabuti na lang at maaga kang nagsabi dahil aalis pa naman kami sa susunod na linggo." rinig ko pag saad niya.
Nanatili na lamang akong tahimik dahil baka ano na naman ang lumabas sa bibig ko.
"Hindi mo ba ako tatanungin kung saan na kami pupunta ni Rawl?" tanong pa nito na tila ba ay nagungulit.
Umiling na lamang ako sa kanya pero tumawa lang ito.
"Baka ma-miss mo pa kambal ko, limang buwan pa naman kaming mawawala, hays."
Tunog sad boy. . .
BINABASA MO ANG
Way Back Home
RomanceAvabella Minoza was known for her murderous look that no one tried to approach her. Her past was quite unusual, unlike fairy tales. But it wasn't big deal for her as long as she had her limbs complete, she's fine. That's what she thought. Until she...