Nagising ako at agad na napatayo mula sa aking pagkahiga ng pakiramdam ko ay masusuka ako. Lakad takbo ang ginawa ko patungo sa banyo at agad na nagsuka sa lababo. Kadalasan ay itong pagsususuka ko na ang gumigising sa akin sa umaga
Matapos ang aking pagsusuka ay agad akong nagmumog ng tubig at naghilamos. Habang tinitigaan ang sariling repleksyon sa salamin ay napansin ko ang pagtubo ng iilang pulang bahagi sa aking leeg. Nagulat na lang rin ako nang makitang may iilang tubo rin nito sa aking mukha.
Sa pag-aakalang mawawala iyon pagkatapos kong maligo ay nabigo ako. Bumaba na agad ako sa kusina upang makakain dahil kanina ko pa naririnig ang tyan kong kumakalam. At nang makita ko si Auntie na kumakain ay agad ko iyong sinabi sa kanya.
"Ay hala, hindi ko alam ang tungkol dyan, Belle. Baka epekto 'yan ng pagkabuntis mo. Tawagan mo mamaya si Rawl pagkatapos nating kumain at magpasama ka sa doktor." May bahid ng pagkatakot at pag-aalala ang kanyang boses.
Sa araw ng pag-uwi ko sa tinuring kong bakasyon ay sinamahan ako ni Rawl sa pagsabi sa kanila. I saw how they felt disappointed but it didn't last for days. Kaunlaan ay humingi pa sila ng tawad sa akin dahil sa kanilang inasal na naiintindihan ko naman. Kasi mula pa noon ay may plano na sila para rin sa kinabukasan ko. They treated me as their own. They wanted me to get wed first before having baby.
But it didn't happen, like how it suppose to.
And Rawl? We communicate everyday... for the baby.
"Try ko po auntie, baka busy po. Lalo na at babalik na rin po siya ng Maynila." sabi ko sa kanya gamit ang maliit na boses.
"Hay naku! Hindi dapat ganyan, Belle. Know your priorities, kumbaga. At saka, hindi lang naman 'yan para sa iyo. Tungkol din 'yan sa kalagayan ng bata, wala kang dapat ikahiya sa kanya. Kung 'yan man ang iniisip mo." mahabang saad niya.
Hindi ko magawang magsalitang muli dahil sa hiya. I cannot deny that it somehow hit a nerve in me.
"Ouch naman, Tita!"
Mula sa sala ang dinig ko ang tinig ng aking kaibigang si Lau. Tumingin kami sa direksyong pinagmulan niya at nakita siya. Mula sa kanyang dalang isang basket ng prutas ay pansin ko rin ang suot na kulay pula na lapat na lapat sa kanyang katawan.
And funny that I think I saw a little bump in her stomach part like mine.
Ipinagwalang bahala ko na lang iyon at umaktong inis sa sinabi niya. Habang nagtatagpo ang dalawa kong kilay ay pilit ko ring ikinunot ang aking noo.
"Magandang umaga, Tita!" masigla niyang bati sa matanda. Lumapit pa siya dito at nagmano bago inilahad ang dala niyang isang basket ng iba't bang uri ng prutas.
Palihim akong tumawa sa paraan ng pagtawag niya kay Auntie. Sa huling beses na pumunta siya rito ay pareho pa kami ng gamit sa pagtawag sa matanda.
"Mas maganda ka pa sa umaga, hija." pagbobola naman ng matanda sa kanya na pareho naming ikinatawa,
"Don't worry, Tita. Dadamihan ko pa ang dadalhin ko sa susunod para sa inyo ni Tito at sa juntis ko na kaibigan para marinig muli sa iyo ang katotohanang iyan."
"Hay naku! 'wag na, dumalaw ka na lang ng madalas kahit wala ka pang dala para naman may ibang makausap si Belle at umingay ingay rin itong aming tahanan."
Mula sa gilid ng tingin ko ay nakita ko ang pagngisi ni Lau sa akin. Then she laughed, humorlessly.
"Kung pwede ko lang po sanang madala ulit ang kambal dito para naman mas lalong umingay-"
BINABASA MO ANG
Way Back Home
RomanceAvabella Minoza was known for her murderous look that no one tried to approach her. Her past was quite unusual, unlike fairy tales. But it wasn't big deal for her as long as she had her limbs complete, she's fine. That's what she thought. Until she...