30

3 1 0
                                    

"Alam na ba nila Auntie tungkol sa plano mo?"

Bumuntonghininga ako ng malalim bago siya sinagot. "Hindi pa," sagot ko na lang.

"Do you want me to go with you?" he asked.

Napatigil ako sa pag-inom dahil sa tanong niya. Sapagkat hindi ko alam kung sa anong paraan niya ako matutulungan.

Would he apologize to them for having me pregnant?

Sumama lamang ang pakiramdam ko sa aking naisip. "Huwag na, kaya ko na 'yon. Hindi naman siguro nila ako itatakwil ulit."

Nakita ko ang pagdaan ng sakit at galit sa kanyang mga mata nang dahil sa sinabi ko. Somehow, I saw how his face softened. And guilt got me.

Nakita ko siyang tinitigan ang kanan kong kamay at naramdaman ipinatong ang kanyang isang kamay sa ibabaw nito. Ramdam ko ang kanyang hinlalaking daliri na pinipisil ang aking palasingsingan at sinabing.

"This finger needs a ring, B."

Agad kong binawi ang aking kamay mula sa pagkahawak niya at itinago sa ilalim ng lamesa. Kasaby ng pagtaggo ko ng kaba sa biglaang sinabi niya.

The thought of being married scares me for a second even if I don't believe in it growing up.

Iniwas ko ang aking tingin sa kanya. "I have a ring. I am not just in the mood to wear some."

Napatayo ako mula sa aking pagkahiga nang makatanggap ako ng tawag. Nang makita kong si Calista ang tumawa ay agad ko itong sinagot. Hindi pa lamang ako nakapagsalita ay madami ng mga salita ang lumalabas sa kanyang bibig na hindi ko pa halos ma rehistro sa aking tenga.

"Pwede dahan dahan lang muna, Ca?" sabi ko sa kanya gamit ang namamalat ko pang boses.

Noong isang araw pa siya umuwi sa kanyang asawa. Malungkot man akong maiwan niya ay hindi ko na rin siya pinilit pa. At saka kailangan siya doon sa negosyo nilang mag-asawa.

Matagal na siyang tumigil sa trabaho niya sa isang airline. Simula ng magpakasal sila ay sinusubukan na nilang makabuo ng anak. At sa hindi inaasahan, naunahan ko pa sila kahit wala iyon sa plano ko.

Pero hindi dahil wala sa plano ko ang magka-anak ay ipapalaglag ko na ito.

I did this, so I had to take responsibility. Plus the fact that I am earning on my own, and at the right age to have one. I don't need to get rid of it. I need to love and take care of this.

"Saan ka galing?"

"Natutulog lang ako rito, Ca."

Narinig ko ang buntonghininga niya habang may kinakausap siyang kasama.

"Bakit? Miss mo na ba ako? Balik ka na rito, dalhin mo asawa mo para makita ko na sa personal," dagdag ko pa nang marinig ko ang boses ng asawa niya sa kabilang linya.

Sa ilang taon naming pag-uusap ni Calista gamit ang internet ay nakilala ko na rin ang boses ng kanyang asawa. Minsan ko pa itong nakakausap at binibiro tungkol sa kanyang asawa. Hindi ko pa man nakikilala at nakikita sa perrsonaal ay naging maganda at magaan na ang loob ko sa kanya. Ramdam ko kung paano niya allagaan ang akiing kaibigan base sa kuwento niya tungkol sa lalaki. At ang masasabi ko lang doon ay "sana all".

"Nagamit mo na phone mo, Belle?" Ramdam kong may kakaiba siyang pinahihiwatig ng dahil sa tono nang pananalita niya.

"Hindi pa, kakagising ko nga lang. Haler."

"Nasaan ba asawa mo?"

"Asawa my ass."

"Nasaan nga?"

Way Back Home Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon