I went home feeling guilty that time. Hindi niya rin naman sinabi na may allergies pala siya sa manok, sana hindi nalang rin niya kinain pa. Pero may kasalanan rin naman ako sa biglang paglagay ng manok sa bibig niya. Pero dapat talaga kasi sinabi niya hindi iyong inubos pa niya iyong buong paa ng manok.
Dapat humingi na lang siguro ako ng pattawad dahil kasalanan ko rin naman.Malapit na rin iyong duty ko kaya nagbihis na lang rin ako para ready na ako mamaya. Hindi pa nakakauwi ang mag-asawa kaya mag-isa lang ako sa bahay at walang makausap.
Narinig ko na tumunog iyong Instagram notifcation ko kaya tinignan ko na hbang hindi pa ako makapili ng susuotin ko na sapatos. Sabi kasi ni Namiel na sabayan ko raw siyang magggym mamaya kaya nakasuot na lang rin ako ng active wears para hindi ako magmukhang tanga habang magwowork-out.
Nakita kong galing kay Rawl iyong mensahe kaya hindi ko muna binuksan at namili na lang ng magandang sapatos na susuotin ko mamaya. Imbes na puti ang susuotin ko dahil bagay ito sa suot ko pero medyo umuulan at hindi ko kayang mapuno iyon ng putik habang naglalakad ako papuntang gym.
After five minutes, I decided to click his name and read his message.
Rawrlyboi:
It's okay. I am now fine, no more itching and meds.
I replied 'OK' to end up the conversation quickly because I don't know what to reply. Perks of being not sociable.
Nagsaing muna ako at ininit ang ulam na hindi naubos kanina at umalis na ng bahay.
Medyo maingay na ang gym at marami ng tao nang makarating na ako. Madali ko na rin naaninag si Namiel at nakangiti nang makita niya ako. Nakkita kong inilagay niya muna sa sahig iyong buhat buhat niya na dumbell kanina at naglakad na papalapit sa akin.
Bigla siyang huminto at bumalik sa pinanggagalingan niya at ginawa iyon ulit. Huminga ako ng malalim dahil kung ano ano na naman iyoong iniisip ko na hindi makatuwiran. Umatras ako dahil plano ko na pumunta na sa pwesto ko nang naramdaman kong nabangga ako.
Wala namang pader sa bandang likuran ko.
Iyong akala kong pader ay walang iba kung hindi si Rawl pala. Napalakas siguro iyong pagsabi ko ng 'aray' dahil marami rami iyong nakatingin sa aming dalawa. I apologize to him but I acted like nothing happened. Iyon lang bigla ang naisip ko para tantanan na kami ng mga mapanghusgang mga mata. Naramdaman ko na nakasunod lang siya sa akin pero hindi ko ito nilingon pa at umupo na sa pwesto ko.
"Late na naman ba ako?" tanong ko ng hindi pa ito umaalis.
Tiningnan niya naman niya ang kanyang bisig kung nasaan nakalagay ang relo niya. "Hindi naman.""Kaya bakit ka nandito. . . Sir?"
Kita ko ang mangha na rumehistro sa mukha niya at buitaw ng isang mahina na tawa.
"Oh."I gave him a smirk. Itinaas ko naman iyong mga papel na tratrabahuin ko para malaman niyang marami pa akong gagawin na hindi ko rin nagawa kahapon.
"Just do it later, Namiel and I would like to talk to you in our office. . . Miss Bella." tapos tinalikuran na ako kaya sumunod na rin agad ako.
Mag-iinarte pa ba ako? Baka sahod ko na 'yon. Gusto ko pa naman na makapasok bukas para makita si Calista. Tinawag rin ni Rawl si Namiel na may tinuturuan pang babae kaya napasimangot ang babae nang magpaalam na si Namiel.
Pasensya siya kakausapan pa ako ng dalawa.
Ng tatlo na kami sa loob ay umupo na ako sa sofa. Sa palaging pagpapatawag nila sa akin dito ay parang opisina ko na rin 'to, papayagan nga siguro nila akong humiga na lang dito kung tatanungin ko. Walang hindi posible sa kanilang dalawa na kambal.
BINABASA MO ANG
Way Back Home
RomanceAvabella Minoza was known for her murderous look that no one tried to approach her. Her past was quite unusual, unlike fairy tales. But it wasn't big deal for her as long as she had her limbs complete, she's fine. That's what she thought. Until she...