It's been years since I graduated yet I am still jobless. My dreams vanished for just like a second. Masaya na ako kapag may mga dumadating na produkto sa akin galing sa isang brand o 'di kaya ay bigay galing sa isang shop.
I was happy with my life yet I was longing for something.
Kaya naman ng maramdaman ko na magagalit na sa akin sila Auntie ay agad kong hinanap iyong isang agency na nag-alok sa akin para maging model sa brand nila. Nag-impake na ako bago a ako nagpaalam sa kanila. Kaya naman ay wala na rin silang nagawa kung hindi ay magsabi ng 'oo' sa naging desisyon ko.
Kahit hindi man nila sabihin sa akin na malungkot sila nang dahil sa hindi ko paggamit ng pinag-aralan kung kurso ay wala pa rin silang ginawa. Kaya nang makuha ko ang unang sahod ko sa pagiging modelo ay binook ko sila ng ticket papuntang ibang bansa para naman makahingi ako ng tawad sa kanil at bumawi bawi na rin. We spent a week in Switzerland and three days in Manila bago sila umuwing probinsya.
Hindi ko rin naman inaakala na may kumuha sa akin galing sa isang internatonal brand kaya nasundan pa iyon ng maraming bakasyon hanggang sa sila na mismo iyong umayaw para na rin daw makapag-ipon na ako at mag-aral ng abogasya nna pangarap ko raw noon pa.
Kaya tinanong ko iyong sarili ko kung iyon pa rin ba ang pangarap ko na gustong matupad. Ilang araw ko rin iyong pinag-isipan. May ipon na rin naman ako, ngunit mas gusto ko munang magpundar ng negosyo.
"Another pose, Ave." I was told by a staff.
I am currently in a shoot for a big magazine here in Paris. Halos ganito na ang bumubuo ng araw ko. Minsan ay iniisip ko na paran iyong katawan ko na ang sanay kaysa sa utak ko. Iniisip ko na iyong katawan ko na ang nagdedesisyon sa utak at puso ko.
Masaya naman ako sa lahat ng naabot ko pero palagi kong nararamdaman iyong kulang. Kaya sa bawat araw na lumilipas at nilalandas na tahak ay iyong ang aking hinahanap.
Until I saw a face who looks like mine while I was talking to my long time friend, Calista. Hindi kami nawalan ng komunikasyon sa isa't isa. Alam ko rin na masaya siya sa ginagawang trabaho. Kaya naman kung minsan ay pareho kaming nasa iisang bansa ay nagkikita kami. Walang tsansa kaming pinapakawalan.
"Nakita ko siya sa isang flight ko noong isang araw." nabigla man ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon pinahalata.
Nawala kasi iyon sa utak ko noong nagdaang taon.
"Ah." tanging iyon na lang ang naging sagot ko.
"Hindi ko alam pero malakas abg kutob ko na iyong kasama niya ay ang ama niyo."
"Ama niya siguro, Ca."
She faked a cough after I said those words.
Sa nagdaan na taon ay tanggap ko ng may mga bagay at tao talaga na hindi para sa akin. May iba na dumaan lang para patatagin at bigyang leksyon. Madali lang naman iyong tanggapin at kalimutan lalo na kung walang tao ang magdadala ng ganoong usapin.
"Hindi bagay sayong magtunog ganyan, Dae." saad pa niya at malakas na tumawa. Napatingin tuloy iyong ibang tao sa gawi namin.
Narinig ko naman na naging usap usapan na naman kami ng ibang tao. "Is that Ava? The Viktorya Secret Model?" ayon ang simula kung bakit nagkumpulan iyong mga tao sa lamesa namin.
Even if I felt dissapointed that they saw me because I'd like to spend more of my time with Calista, I also felt happy because they recognized me. Nagtagal iyong ng isang oras kaya halos hindi na mahitsura iyong mukha ng babae.
"Alam mo, masaya ako sa'yo dahil malayo na ang inabot mo pero nagseselos ako sa oras mo." natuwa rin naman ako sa sinabi nito dahil ibig sabihin ay may pakialam pa ito sa akin.
BINABASA MO ANG
Way Back Home
RomanceAvabella Minoza was known for her murderous look that no one tried to approach her. Her past was quite unusual, unlike fairy tales. But it wasn't big deal for her as long as she had her limbs complete, she's fine. That's what she thought. Until she...