09

4 0 0
                                    

"Weh?" gulat at hindi makapaniwala kong tanong.

Malakas itong tumawa sa naging reaksyon ko habang hinampas hampas pa iyong lamesa.

"Wow, may pakialam ka na?"

"Tangna ka talaga."

Minura ko siya ng marami dahil sa inis ko sa kaniya. Pagbiruan ba naman ako sa boss ko, tangna talaga. Nang humina na ang tawa nito ay sinampal sampal niya ang kanyang pisngi. Sana ako na lang pinasampal niya para makabawi naman ako ng kaunti sa kaniya. Nakakainis e,

"Pero totoo nga," kompirma pa niya pero hindi talaga ako naniwala pa.

"Bahala ka."

"'Di ka curious sa mga sinasabi? Baka bukas malalaman mo, kayo na pala."

"Ha?"

"Malay mo, nagiging Bella ako sa mga text niya. Hindi mo alam." sabay tawa pa niya.

Inismiran ko ito. "Tangna ka talaga."

"Tangna ka rin, numero ko pa binigay mo sa lalaki mo. Nakakaubos load e,"

"Para hindi mo na ako sungitan dahil hindi ka na nadidiligan." I told her and smirked.

Nang matapos na ang oras namin sa pagkain ay nagpaalam na ako sa kaniya dahil malayo layo rin iyong naka-assign sa kaniya na lugar. Nag-usap muna kami para magkita na lang ulit kami dito bukas dahil hindi naman ito umuuwi kapag hapon na.

Maraming sinasabi iyong isang HR pero hindi ko naintidihan iyong iba at tumatango na lang. Si Aria naman sa tabi ko ay matiyagang nakikinig dito. Minsan nakakainggit tin itong babaeng ito dahil pokus lang talaga ito palagi. Hindi na rin ako magugulat kong maging Cum Laude man ito sa University nila, rinig ko rin matalino to.

May ipinagawa rin sila sa amin pero hindi naman iyon gaanong mahirap kumpara sa pinapalinis kami ng public CR minsan. Ewan ko na lang rin minsan. Para na rin kaming ginagawa na nila kaming janitor dahil sa mga pinaglililinis namin dito.

Mabuti na lang at palagi kaming magkagrupo ni Aria at may nakakausap pa rin akong matino, kung hindi lang niya dala iyong camera niya. Dahil automatic na sasabihan niya uli ako tungkol sa paggawa ng channel, pero wala na talaga siyang nagawa pa dahil ayaw ko talaga sa atensyon. Hindi na iyon magbabago pa.

Nagawa ko lang naman iyong pageant noon ng dahil sa pangangailangan ko ng pera. Sayang rin kasi iyong mga nagpapadala sa akin ng kung ano ano kapalit lang sa isa o dalawang picture ko na suot iyon.

Napadpad kami ni Aria sa isang maliit na tindahan dahil may nabasa raw siya dito online na maraming magagandang damit na binebenta. May nakita akong galing lang sa online kaya hindi ko na rin pinapansin dahil hindi ko naman iyon kailangan at may iba rin dito na meron na ako dahil sa mga padalang ipini-promote  ko.

Nang tingnan ko iyong oras ay malapit ng mag alas sais ng gabi kaya nagsimula  na akong kabahan. Hinanap ko si Aria at nakitang may kausap pa ito at nahihiya naman akong mang istorbo. Ensaktong alas sais na nang matapos itong mag-usap at binayaran ang mga napiling damit.

Eksakto naman na papapunta kami sa sasakyan nang may tumawag sa akin. Nakita ko na si Calista iyon kaya sinagot ko pero hindi ko naman inakalang bubulyawan ako kaya napasigaw na lang ako sa gulat.

"Potacca talaga."

Narinig kong tumawa ito kaya nagmurahan na kami. Tinanong ko ito kung bakit ito tumawag at hindi ko naman inakala ang naging sagot nito.

"Tumawag iyong lalaki mo, saan ka na raw, late ka na raw. Sabihin mo nga sa akin Bella, nagde-date ba kayo? Isang buwan lang naman tayong hindi nagpapansinan ah? may nobyo ka na agad? May hardinero na ba ang pukay mo?"

Way Back Home Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon