05

5 0 0
                                    

"Pinagsasabi mo?" matapang ko ang tanong sa kanya.

"Si sir Rawl 'yan, dae!" sabi pa niya kaya mas lalo pa akong nalito.

Ano ngayon kung Rawl ang pangalan niya? Pakialam ko?
"Magandang hapon ho, Sir."

Pagbabati ng katabi ko nang mapalapit na iyong lalaki sa amin.

Doon ko pa lang naramdaman iyong totoong kaba at hiya nang marinig ko iyong pagbabati na para sa kanya, galing sa mga katrabaho ko. Sunod naman na bumati iyong iba at ngumiti lamang ang lalaki. Gusto ko sanang tumalikod nang hindi napapansin pero bago ko pa nagawa iyon ay napatingin na silang lahat sa akin.

I really can't handle the embarrassment that I excused myself and ran away from the circle.

Kahit narinig kong may tumatawag sa pangalan ay hindi na ako lumingon pa. I even heard them laughing before I went inside the shower room.

Tangna bahala na sila doon.

I spent half of an hour there, while I was checking some emails too. I do not care not much about the money as long as I won't see him again there. Nang nakampante na akong umuwi na siya ay doon pa lang ako naglakas ng loob na lumabas doon sa pinagtataguan ko. Ginawa ko talaga iyong makakaya ko na hindi makagawa ng kahit ano mang ingay.

May naka-pasngil na hindi ko maintindihan na ngiti sa mga labi ko pagkalabas ko roon dahil may ibang kustomer na akong makakasalubong. May iba naman na ngumi-ngiti pabalik sa akin pero kadalasan doon ay wala.

Patungo na ako sa working space ko nang makita ko iyong boss namin na nakaupo doon sa upuan ko. Dahan dahan akong naglakad patungo doon, kumuha ako ng isa pang upuan at inilagay doon malapit sa kanila dahil kailangan ko rin na magtrabaho.
Napatingin siya sa akin nang inilapag ko iyong upuan sa tabi niya.

"Pasensya na ho, Sir."

Tumango naman siya at sinabing. "Just be professional next time, Bella. We are not paying you to disrespect us." Tumango na lang rin ako pabalik sa kaniya para makaalis na agad.

Nagtrabaho na lamang ako hanggang sa matapos na iyong shift ko. Inayos ko na iyong lamesa ko bago ako umalis doon at nagpaalam sa kanila.

Jeu came late here so he was still doing his workout with an instructor. Antok na antok na talaga ako pero hindi ko puwede na iwan ang kaibigan kahit malapit lang naman iyong bahay naming dalawa dito. Kahit rin naman siguro siya sa akin, hinihintay niya alaga ako kahit antok na antok na talaga siya pero ibang antok na talaga itong nararamdaman ko. Mas gusto ko na lang talagang matulog dito kaysa sa kung anong trip pa iyong gawin ng ibang mga katrabaho ko dito.

Malapit ng mag-ala una pero hindi pa rin tapos ang kaibigan ko, nakaidlip na ako sa inuupuan ko nang hindi ko namamalayan pero wala pa ring Jeu na lumalapit sa akin.

I noticed our Boss walking in m direction but I was not expecting him to walk towards me. Akala ko may kukunin lang siya na malapit sa akin pero hindi talaga sa akin.

"Why are you still here?" he asked me.

Naku! Kung hindi ko lang talaga boss 'to, paniguradong hindi ko ito papansinin.

"I am waiting for a friend lang po." Diniinan ko pa iyong pagsabi ko ng 'po'.

Kung hindi man ako makabawi sa kaniya, kahit ito na lamang magawa ko.

"He should not leave you here. Where are you living ba? I will hatid you na lang," conyong saad pa nito.

Ang arte naman nitong magsalita.

"Thanks na lang po Sir, I will make hintay na lang po sa kaibigan of mine." maarteng sabi ko pabalik sa kaniya.

Nakakarindi talaga pakinggan sa totoo lang.

Way Back Home Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon