Pagkatapos naming pag-usapan 'yon ay parang bumalik na ulit kami sa dati na magkakakilala lang pero hindi na nagpapansin. What he said, hitted some part on me. Inaamin ko na tama rin naman siya, pero hindi niya pa rin ako nadala sa sinabi niya. Mabuti lang kasi iyong iba sa una pero pagkatapos mapasagot ay mababagot na.
Tahimik niya akong hinatid sa bahay ay ipinadala pa sa akin iyong ibang pagkain na hindi namin nakain. Dinala ko naman iyon at saka iyong bulaklak na bigay niya. Basta masyadong awkward pareho sa aming dalawa. Normal lang naman sa akin na hindi palakuwento sapagkat ay parang namomroblema ako.
“Salamat nga pala." pagsasabi ko sa kaniya nang makasakay na ito sa kotse at handa nang umalis.
Tinanguan lang ako nito at pinatunog iyong sasakyan bago umandar. Tiningala ko na lamang iyong sasakyan niyang lumalayo na sa akin hanggang sa hindi na iyon maabot ng aking tingin.
I sighed as I locked the door. What an exhausting day!
Nasa kuwarto na iyong mag-asawa dahil gabi na, tapos na rin siguro iyong mini-date nila na pareho nilang hinanda kanina. Gusto ko rin sana iyong matunghayan kaso hindi ko na nagawa pa. Sayang at hindi ko na iyon naabutan pa, o kahit makatingin man lang ng litrato. Tahimik kong inilagay iyong mga pagkain sa drawer at ilalagay sana iyong bulaklak sa vase nangmakita kong may nakalagay na doon.
Kaya naman ay dala dala ko iyong bulaklak patungo sa kuwarto dahil doon ko na lang napagdesisyonan na ilagay iyon. Hindi rin nagtagal nang matapos akong maligo ay nakita kong nasend na ni Rawl iyong mga litratong kinuha niya kanina kaya hindi na rin ako nagreply pagkatapos ko rin na isend iyong sa kaniya.
Wala sa sarili kong ipinost sa IG ko iyong ibang litrato kong natipuhan, nang wala rin akong maisip na caption ay nilagyan ko lanv iyon ng isang hugis puso na emoji dahil iyon ang trip ko. Hindi ko pa naman naibaba iyong cellphone ko ay nakita ko na agad na siya ang naunang nagreact nito ay nagkomento rin ng hugis puso. Hindi ko na iyon pinansin pa at natulog na rin.
Nang mag-umaga ay ganoon pa rin iyong ginagawa ko hanggang sa pumasok. Nag-iba lang iyon dahil sa rami ng tanong sa akin ni Calista.
"Nakita ko iyong post mo sa IG, tapos iyong comment ni ano! Sure ako na magkasama kayo, pero kayo na ba?" malakas na tanong nito kaya pilit kong tinatabunan iyong bibig niya dahil pansin ko ang pagtingin ng ibang tao sa amin.
Siguro kung ganito may noon ay pareho kaming walang pakialam pero ngayon medyo nakakaramdam na talaga ako ng hiya sa lakas ng bunganga ng kaibigan.
"Hindi naman kita pinakialaman sa lalaki mo ah?" mababang tanong ko sa kaniya.
Nakita ko naman na inikutan lang niya ako ng mata at isinubo iyong natitirang itlog sa kamay siya at naglagay rin ng kaunting asin.
"Naku fren, ingatan lang natin puso natin ha? Baka kasabay nitong mapunit ang ating mga kipay." patawa tawa pa niya saad.
Tinatablan na talaga ako ng hiya kaya kahit hindi ko pa tapos iyong itlog ko ay dinala ko na lang ito palabas dahil pansin ko na talaga ang maraming mata na nakatingin sa aming dalawa. Mga mapanghuhusgang mga mata.
Rinig na rinig ko pa ang tawa ng kaibigan habang sinusundan ako nito palabas. Mabuti na lang at maraming bench sa labas kaya doon na umupo at ipinagpatuloy iyong pagkain ko ng itlog.Out of nowhere ay narinig ko iyong sinabi niya pagkatapos nang mahaba habang katahimikan na bumalot sa amin. "Nagbabago ka na talaga,"
"Tingin mo?" tanong ko pa.
Mabagal itong tumango. "Pero for good naman siguro, sana naman ay magkajowa ka na rin."
"Huwag mo akomg ipressure baka sa maling tao pa bagsakan ko."
BINABASA MO ANG
Way Back Home
RomanceAvabella Minoza was known for her murderous look that no one tried to approach her. Her past was quite unusual, unlike fairy tales. But it wasn't big deal for her as long as she had her limbs complete, she's fine. That's what she thought. Until she...