===========
Note: Sorry, medyo sabaw and boring, babawiin ko na lang next chapter! My daily update will be stop bcos I am FEELING busy these days. MWF, here we are.
I shut my eyes tightly and groan as my handler's being nosy again. It was already a week since I had an issue on social media, which is not true. Pero kahit anong paliwanag ko pa ay hindi na ito nakikinig sa akin dahilan kung bakit rin ako naiinis. Kung hindi lang rin sana lumabas iyong mga lumang litrato namin ni Rawl ay hindi sana iyon mas lalong tatagal pa.
As I am telling my self not to mutter another word or else she will nag me again for hours. This is much better than keeping me stay in my place for weeks to avoid issues.
That would turn me crazy, for real. Kaya hahayaan ko na lang.
The longest hour in my entire life has finally ended when his newly found boylet called him. As usual, asking him money. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako roon o manghihinayang ba. I mean it's his money but it could turn into millions if he would like to invest. Pero ayaw ko na lang na makialam pa, baka mas mapagalitan niya ako ng malala.Lalo na't kailangan kong makauwi sa probinsya sa susunod na araw. Hindi puwedeng wala ako sa anniversary nila auntie at uncle dahil hindi rin makakauwi iyong anak nila dahil nasasayangan sa pamasahe. Kahit sagot ko naman, hindi man sabihin sa akin ng mag-asawa ay alam kong iyon ang gusto nilang mangyari sa anibersaryo nila pero wala akong magawa dahil hindi ko naman hawak ang utak ng anak nila.
But I am still considering them to come all under my expenses.
Wearing a black and white with a deep vneck cut with a black tube tucked in my black high waisted slacks, I wore my new sandal slides in the color white. Inayos ko ang suot na bucket cap habang humahakbang papababa sa eroplano. Pagod man galing pa sa isang mahaba-habang shoot ay hindi ko na iyon inantala pa. Makauwi man lang.Agad kong isinuot ang aking salamin at itinago ang mukha nang mahagip ako ng isang grupo ng mga kabataan sa labas ng airport habang inihintay ang sundo. Nakita ko ang gulaat na dumaan sa mga mukha nila bago nagmamadaling naglakadd patungo ssa puwesto ko.
“Si ate Bella 'yon diba? Iyong model na si Ave Minoza?” nasasabik na tanong ng isang dalagang babae na hindi kalayuan sa akin. Siya iyong unang nakakita sa akin at pinagkalat sa mga kaibigan.
“Hala oo! Parang!” sabi naman noong isa.
“Diba sila daw noong anak ni Gov. Marcil? Yung may kakambal.”
Umiiling na lang ako at mahinang tumawa sa mga narinig na balita balita.
Gustuhin ko manna makipag-usap sa kanila ay hindi ko magagawa. Ika nga ng sabi ng handler ko ay mag lie low muna sa mga tao at social media. Naglakad ako palayo sa puwesto na 'yon at pumara na lamang ng tricycle pagkalabas doon sa may gate.
Ramdam na ramdam na ng katawan ko ang pagod ng dahil sa dinarasang init kaya nasa kuwarto muna ako para magpahinga.
Alas singko na ng hapon ng magising ako. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako ng may handa ng panghapunan sa lamesa. Nilingon ko si Auntie na nagmamadali pang inihain ang bagong luto ng adobo na manok. Huminga ako ng malalim para mas maamoy ang bango ng bagong luto na ulam.
“Ang bango!” nasasabik kong tugon at tinilungang ihanda ang mga ulam para makakain na agad.
“Sinunod ko lang recipe mo, anak.” nakangiting saad niya.
BINABASA MO ANG
Way Back Home
RomanceAvabella Minoza was known for her murderous look that no one tried to approach her. Her past was quite unusual, unlike fairy tales. But it wasn't big deal for her as long as she had her limbs complete, she's fine. That's what she thought. Until she...