12

3 1 0
                                    

"Hindi mo naman siguro dadalhin iyong kaldero namin no?" pangpipilosopo ko pa.

Umiling-iling lang ito sa tanong ko at inilahad ang isang baso ng tubig sa akin. Tinanggap ko ito at ininom. Mahina akong dumighay pero narinig pa rin niya iyon at tumingin sa akin.

"Busog ka na? May dessert pa tayo."

"Huwag na, 'di ko na kaya." saad ko habang hinimas-himas na ang tiyan dahil sa akaing kabusugan.

"Mamaya pa naman tayo aalis, kaya mo pa 'yan." he sounded like he is cheering me up for our next meal.

"Huwag na nga, itatae ko lang rin naman 'to mamaya."

Tuluyan naman siyang natawa sa sinabi ko at hindi na ako kinulit pa. Marami pa itong kuwento sa akin tulad ng pag-alis nila sa susunod na linggo dahil tinawagan na sila ng agency at ka-kailanganin na para sa darating na barko. Ewan ko ba, parang nalungkot ako sa sinabi niya kahit hindi naman kami ganoon ka-close pero masaya rin naman ako dahil pangarap nila 'yon e. Unang sakay pa nila sa barko.

Marami pa kaming pinag-uusapan tungkol sa buhay buhay kaya tinanong ko na kung nasaan si Tamila dahil naging kaibigan ko rin naman iyon. Mabuti na lang at ayos naman siya at nag-aaral raw nang mabuti sa CDO.

Inanyahan pa niya ako sa maliit na pagdiriwang nila bago umalis ng probinsya. Hindi pa naman ako sigurado kaya hindi na lang muna ako nangako sa kaniya. Wala naman siyang side comment doon at tumango na lang.

Umabot na sa gym iyong usapan namin at sinabi niyang naghahanap sila ng magma-manage n
doon. Alam kong malaki-laki iyong sweldo kaya gusto ko iyong posisyon pero sa tingin ko ay hindi ko kakayanin kaya nanahimik na lang ako roon.

"Hindi pa ba ako babalik sa trabaho ko?"

"Bukas ka na lang pumasok, ipapahatid ko na lang iyong gamit mo dito. Is it fine for you?"
Tanging tango lang iyong sagot ko kahit labag sa aking kalooban.

Parang ang sarap kasing matulog ng maaga.

Bumalik ako sa pagiging tahimik at pinagmasdan ang ang loob ng pinag-kainan namin. Ibang kainan na naman ito pero alam kong medyo may kamahalan ito kaya nakakaramdam na talaga ako nang hiya. Pangalawa na itong pagkakataon na dinala niya ako na wala talaga akong pera na mai-aabot sa kaniya.

Nang pumunta na ang waiter sa lamesa namin ay halos hindi ako makagalaw. Siya na ang nagbayad ng lahat. Ilang libo ang inabot ng pinagkainan namin kahit ako lang naman halos ang nakaubos doon.

Huminga ako ng malalim at sinabing. "Sorry."

"Why are you sorry?" kunot noo niyang tanong sa akin.

"Wala akong perang mai-ibayad sa pagkain."

"It's fine. Hindi naman kita dinala dito para pagbayarin ng kinakain natin."

"'di bale kapag nakasahod na ako, lilibre rin kita." nakangiting sabi ko sa kanya.

He motioned a thumbs up and said. "If that makes you happy, pero pwede namang hindi na, kapag naka-graduate ka na lang."

Napa-isip naman ako doon at tinantya ang mga buwan.

"Wala ka pa naman non e! Nasa dagat pa kayo non, pa-alon-alon."

"After you got a job then."

"Bago ka na lang lumuwas ng Maynila, libre kita street foods. Kumakain ka naman siguro ng ganoon no?"

Huminto ito na nakakunot ang noo at tila nag-iisip. Hindi rin siya nagtagal ng ganoon at umukit ang ngiti sa labi bago sinabing,

"Of course, I like those orange thingy with eggs inside."

Way Back Home Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon