Napahawak ako sa ulo bago dahan-dahang bumangon. I look for my tumbler kasi nauuhaw ako.
Anong nangyari sa akin?
Bumukas ang pinto ng silid kaya napabaling ang tingin ko sa taong may dalang tray ng pagkain. Agad na lumipad ang tingin ko sa orasan. It's still six am. Why is he here?
Maingat niyang inilapag ang tray sa side table bago umupo sa gilid ng kama ko. Sinusundan ko lang ng tingin ang ginagawa niya.
Kinuha niya ang tumbler sa kamay ko bago hinaplos ang aking pisngi. Napapikit ako. Ngayon ko napansing mabuti na bahagyang magaspang ang palad niya. Parang sanay sa hirap. Siguro ayaw niya talagang magpatuloy sa ganoong buhay kaya umalis siya.
Dinilat ko ang mga mata at sinalubong ang mga titig niya. He sighed. "Gumising ako ng maaga kasi gusto kitang makita agad." He comb my hair with his fingers while I remained looking at him.
"Sana sinabi mo na lang na dito mo gustong matulog kagabi katabi ko." I wiggled my brows at him. Napangiti siya ng tipid bago pinisil ang ilong ko.
Pwede bang ngumiti na lang siya parati?
We cuddled in bed. I stiffle a laugh when he immediately push me matapos makarinig ng pagbukas ng pintuan. Titan's reaction is funny. Namutla pa ng konti.
Istorbo si Tatay! Mahahalikan ko na, eh.
"Titan, you're here." Tay then throw me a look. Nag-iwas ako ng tingin.
"Opo, tay. Magandang umaga po." Lumapit siya kay tatay at nagmano.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?"
Well, with Titan's presence in the morning, I am more than fine.
"I'm fine, Tay."
"You collapsed last night. I was so worried."
My mouth parted but I close it again. Ang naalala ko lang hindi ako matigil sa pag-iyak.
Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Titan. "Tay, it would be better if we exclude Vanadis in the upcoming campaigns. Total isang buwan nalang naman at election na."
My eyes widened and I groaned. His voice sounds final at makakaisa lang ako sa kaniya kapag kinontra ko ang sinabi niya.
"That's a great idea, Tan. Dito na lang siya sa mansyon para makapagpahinga."
Napangiwi ako at mahinang napasandal sa headboard ng kama. I don't think my thoughts matter to them now. Bahala sila. Hindi naman ako papayag na wala akong gagawin.
"I'll give you my best campaign organizers—
"I personally think I have the best organizer beside me, Mr. President."
I rolled my eyes. Asadong-asado na ako sa pambobola ng senador na'to.
Tatay chuckled. "Please take care of my princess. I have a busy day ahead, son."
Titan was taken aback by what my father called him. Matagal bago siya tumango. Tatay tapped his back before turning his back on us.
He'll probably take care of that woman? O baka si Titan na iyong bahala? Since it's his first love? Tiningnan ko si Titan na nakasunod ang tingin sa tatay ko.
BINABASA MO ANG
Your Highness
RomanceShe's the presidential daughter. He's the son of the rebellion ruler. First installment of Yours Series. UNEDITED
