Ilang linggo na rin akong nagtatrabaho at gaya ng napag-usapan namin, sa opisina ni Titan ako nag-oopisina.
I choose to serve in public kaya sobrang dami ng cases na naiatas sa akin. Ni hindi ko na makita si Titan o ang lamesa niya mula sa'kin kasi natatakpan na ng mga papeles.
Akala ko marami na iyong sa kaniya, iyon pala triple iyong akin. Legit na nakakapagod itong ginagawa ko pero wala ito talaga ang gusto ko.
Iba talaga kapag gusto mo iyong trabaho mo, nakakapagod pero sobrang worth it. Kalimitan kasi, nagtatrabaho lang para may maipangtustos sa pang araw-araw na buhay.
Sa panahon kasi ngayon praktikalan na. Iyong kinukuhang kurso sa kolehiyo, dapat mataas sahod pagkagraduate. That's reality. And it's okay.
Pero iba pa rin kapag mahal mo iyong ginagawa mo. Iba iyong feeling at may sense talaga of satisfaction.
Napaangat ako ng tingin ng may naglapag ng pagkain sa table ko. Umayos ako ng upo, di ko namalayan na komportable na palang nakapatong ang dalawa kong paa sa lamesa, nakaekis pa.
That was so unlady like but I couldn't care less. Wala akong panahon para isipin ang iniisip ng mga tao, basta komportable ako, tapos.
"Ah, Miss little president. Kumain na raw po kayo ng lunch sabi ni Senator." Sekretarya pala ni Titan.
Tumango ako, akmang itatabi ang pagkain nang may kumuha nito.
"Why-" I saw my senator snatching my food. Akala ko ba bigay niya.
For a week, I focused on my job. Nag-uusap parin naman kami pero sobrang ikli lang. We're both busy, that's why.
"I was waiting for you." Ipinatong niya ang dalawang palad sa lamesa ko at dumukwang. Palihim kong inatras ang swivel chair.
Nakakaintimidate pa rin siya, kahit feeling ko close na kami...
"I didn't know."
"Kasi hindi mo ko nakikita."
Malamang sa dami ba naman ng papeles sa lamesa ko. Kung hindi naghahatid ng lunch ang secretary niya I doubt if kung makakakain pa ako.
I stretched my both hands. Mas dumukwang siya palapit para hilahin pababa ang suot kong top. Siguro dahil nakikita na tiyan ko. I never thought he's conservative.
Napangisi ako. That's crop top, senator. Aburido niyang hinihila ito pababa pero ganon pa rin. Lumabas ang kaunting tawa sa bibig ko. Naglebel ang paningin namin.
"Crop top 'yan? Kaya malamang." pambubuska ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya bago itinagilid ang ulo. I remained my eyes on his face. Natatawa pa rin sa ekspresyon niya.
"You can go now." Napaayos ng tindig ang sekretarya sa sinabi ng kaharap ko. I glance at the man behind him and nod my head, signaling him to leave. Nakangiti pa rin.
Nang marealize na ganon na talaga ang desinyo ng suot ko ay umayos na siya at tumayo. He loosened his necktie.
"Let's eat, Vana. On my table." At naglakad na ito pabalik sa lamesa niya. I stared at his back. Ang tambok ng pwet. Kagigil.
Tinanggal ko ang reading glasses at pagkakatali ng buhok ko at hinayaang malaglag sa likod at balikat. Medyo basa pa ito kasi itinali ko agad pagkatapos maligo.
BINABASA MO ANG
Your Highness
RomantikShe's the presidential daughter. He's the son of the rebellion ruler. First installment of Yours Series. UNEDITED
