III. THE AUDACITY

233 18 0
                                        

Hindi ka ba natatakot para sa buhay mo?"




Pababa na kami ngayon gamit ang elevator at tiyak na kakalat na agad ang balita na may namamagitan sa amin ng Senador.




Paglabas pa lang namin kanina ng opisina, kitang-kita ko na sa mga mata nila ang panghuhusga. Ikaw ba naman ang magkulong nang mahigit isang araw sa opisina ni Senador Alpharon? Sige isipin mo.




Kahit wala naman kaming ginawang masama, iba talaga ang takbo ng utak ng mga tao. Wala kaming magagawa diyan.




Pero makabubuti na rin para sa plano nila ni tatay.




Tsaka hindi rin naman ako lugi. Matipuno, makisig at tingin pa lang masarap na talaga siya. Siyempre, hindi rin siya lugi sa akin. Kung matitsismis kaming dalawa hindi naman siguro magkakaproblema.




"Why would I be scared?" Seryoso niyang tanong pagkatapos humarap sa akin.




"Hindi sa tinatakot kita pero dati noong may rumor na ipapakasal ako ni tatay sa anak ng isang senador bigla nalang namatay iyong lalaki."




"Senator Duce's son you mean?"




I shifted uncomfortably. "Paano mo nalaman?"




Umingos siya. "Hindi ikaw ang dahilan ng pagkamatay niya. That man is a rapist, Vana. He was killed by the father of one of his victims. Itinago lang ng pamilya nila ang totoo."




Napaawang ang bibig ko sa gulat. Pero nabasa ko sa twitter-




sabi ng fake news lahat sa socmed. Pasimuno lang iyon ng mga haters ko. I looked at him.




"You mean to say, I attended and even throw a flower on a rapists funeral?."




"You even visited his wake?"




I nodded. Hindi na ako nagsalita pa kasi hindi ko talaga matanggap. Nagpapaniwala ka kasi Vana! Boba.




Paglabas namin sa palasyo ay wala pa rin ako sa sarili. Nabalik lang ako sa realidad nang may humarang sa sasakyan niya na maraming reporters.



I left my car sa basement, ipapadala ko na lang kasi sobrang persistent niya na ihatid ako. Di namin ini-expect na sobrang maraming reporters ang naghihintay sa amin.



"Execute a plan." I urged him. Tumango naman siya.



"Ako bahala." Sagot niya bago binaba ang side ng bintana sa parte niya.



Nagpanggap nalang akong natutulog sa front seat at pinagilid ang mukha ng bahagya upang hindi ako masyadong masilaw sa clicks ng mga camera. Heavily tinted naman itong sasakyan niya.



Hassle talaga!



"Senator Alpharon. Fiancee niyo raw po si First Daughter Vanadis Rama. Totoo ho ba?" rinig kong tanong ng isang reporter.



At may pakpak nga ang balita. Fiancee talaga agad.



"Not yet but we're exclusively dating."




Nagkagulo sa labas dahil sa confession niya. May tumili pa. Halaka si ate kinilig.




"Can you all excuse us? Napagod kasi si Vana at natutulog siya ngayon. I want her to rest."




"Last na lang po, Senator. Ilang taon na po kayo ni Ms. Vana?"




Napatigil siya sandali sa sinabi ng reporter. Magsinungaling ka na lang. Bilis.




Your Highness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon