"Good Morning, Senador Alpharon."
Binigyan ko ng tipid na ngiti ang lahat ng bumati sa akin. Kararating ko lang sa Malacańang dahil may bagong ipapasa na bill at kailangang pag-usapan ng masinsinan.
"Bigla ka nalang nawala kagabi." Tinaasan ko ng kilay si Cion.
Congressman Cion Psy Azure is my best bud along with Mayor Azid Fort Aguinaldo. I met them five years ago.
Pitong mahabang taon na ang lumipas. Tanda ko pa kung papaanong nagising ako na balot na balot ng putik ang katawan. Napatay ko na rin ang mga demonyong nang-abuso sa mga kasamahan ko dati. Isa na lang ngayon ang natitira at masasabi kung mahaba na rin ang panahong ipinalagi niya rito.
Swerte at ang nakakita sa akin noon ay isang gobernador. Tinulungan ako nito and the rest is history.
Pinindot ko ang closed button ng elevator bago sinagot si Cion.
"May ginawa lang."
"May nilooban ka na namang babae?"
What? His words sounded like I'm a fucking thief or something.
"Gago. Bibig mo talaga kahit kailan pasmado."
"Senador, wag tayong maglinis-linisan dito." Kantiyaw ng kasama ko. Kahit kailan talaga 'to.
I clicked my tongue out of annoyance. "Kongresman, walang nagmamalinis dito. May ginawa talaga ako kagabi, importante. I had a talked with Mr. President."
"You mean you talked with the president after a session with your hoe."
Ni wala nga siyang pakialam na kinausap ako ng presidente. Ang laman lang ng utak niya, nakaisa na naman ang gago.
That's why I preferred Azid than this man beside me. Buti iyon tahimik, ito, wala akong masabi sa kadaldalan.
Tumahimik na lang ako.
"Wait-what?! You met with Mr. President in secrecy?" At saka pa nga na-proseso ng gago ang sinabi ko.
Tumango ako. Nakakatamad magsalita minsan.
"Dude, do you need extra body guards?! Baka mapahamak ka." I noticed the worry in his tone.
"Nah. No need. Naging maingat naman kami kagabi."
"Tatakbo ka talagang presidente, next election?" He looks tense. I shrugged.
"Kung may susuporta bakit hindi?"
"Dude, you wanna get killed? For now, distance yourself from Mr. President. Baka pag-initan ka. Halang ang mga kaluluwa ng tao dito."
Kami rin naman.
"He wants me to replaced him. At para raw hindi halata ang pagtulong niya, ligawan ko raw anak niya."
Napasinghap si Cion. Hindi rin ako makapaniwala sa sinabi ng pangulo kagabi.
He's entrusting me his one and only unica hija? Kalokohan. Pero kalaunan ay napansin kong seryoso siya.
Wala akong nagawa. I said yes to his offer. Presidente 'yon, papalag ba'ko?
"Lucky bastard!"
"Lucky my ass. I've heard rumors about the first daughter, dalagang ina raw." Napaubo si Cion. I looked at him weirdly.
"What's with that reaction?"
"If you see her, you'll surely beg to be her son's father." Kumunot ang aking noo sa narinig.
Ngumisi ang gunggong at umiling. Tumunog at bumukas ang elevator.
"Goodbye, Senator."
Tingnan mo 'to biglang naging pormal porket may mga nakamasid na. May dangal daw siya na inaalagaan.
"Good day, Congressman." Sagot ko bago pa man sumara ang elevator at ako nalang mag-isa ang naiwan.
Naiwan ako sa isang malalim na pag-iisip. Ako? Magmamakaawa? Napangisi ako.
Tapos na ako sa yugtong 'yan at hindi na iyon mauulit pa.
Pagpasok ko sa opisina ay bigla akong natigilan. A tall slender woman is in my couch, sitting pretty with heads high and eyes sharp after it found mine.
I inhaled a deep breath. I can't focused my eyes on hers damn it.
"What can I do for you, Miss?" Binitin ko ang huling salita dahil gusto ko nang malaman agad ang pangalan niya.
This is so unprofessional but it's this woman's fault for being a temptress. I have a low tolerance when it comes to girls like her.
She extended her thin arm, hindi naman talaga sobrang payat sapat lang para mapinid ko.
"Atty. Vanadis Galicana Rama."
Pwede bang mag-apply bilang ama ng anak mo?
"Senator Titancio Janssen Alpharon." I held her hand and squeezed it.
First daughter of the nation, we finally met. And a lawyer? Interesting.
🎬

BINABASA MO ANG
Your Highness
RomanceShe's the presidential daughter. He's the son of the rebellion ruler. First installment of Yours Series. UNEDITED