OO.OO

646 17 0
                                    

Simula

"Titan, bitiwan mo'ko!"

Nagpupumiglas siya sa pagkakahawak ko pero mas lalo ko lamang hinigpitan ang hawak sa kaniya.

Hindi pupwedeng maiwan siya rito. Kung tatakas ako, isasama ko siya! Gusto ko ng normal na buhay kasama siya, hindi iyong ganito na palipat-lipat kami ng lugar. Nasuyod na ata namin ang lahat ng bundok sa Mindanao at saulado na ang mga ilog na pwedeng gawing daanan at labasan.

Oo, rebelde kami. Sa loob ng dalawampung taon kong paninirahan sa mundo, wala kaming naging permanenteng tirahan. Ang nanay ko namatay noong limang taong gulang pa lang ako. Kung bakit? Natunton kasi ng mga sundalo ang kuta namin kaya 'yon.

Ako ang nag-iisang anak ng yumaong na kumander ng samahan. Pero hindi ganito ang gusto kong buhay. Gusto ko mapayapa. Tapos iyong magiging pamilya ko, gusto ko komportable sila. Ayokong maranasan nila ang pinagdaanan ko kasi pota ang hirap.

"Titan, ano ba!"

Malakas kong binitawan ang kamay niya bago siya hinarap. Inis kung pinasadahan ng daliri ang aking buhok at itinuro ang may kalayoang bukirin.

"Zy, hindi na ako babalik don! Ayokong mamuhay tayo ng ganoon. Kaya sige na, halika na. Malapit na tayo kay Jiji."

Hinawakan ko ulit ang kamay niya at hinila siya palapit pero hindi siya nagpatinag sa kinatatayuan niya.

Walang lakas akong tumingin sa kaniya. Nagbabadya na ngayon ang luha sa gilid ng mga mata. Napalunok ako ng marahas. Pinipigilan na wag mapaiyak.

"Hindi ako sasama sayo."

Nabingi ako sa narinig at nabitawan ko ang kamay niya sa gulat. Niyugyog ko siya sa balikat.

"Ginagawa ko 'to para sa atin. Para sa magiging pamilya natin. Wag ka namang ganiyan, oh."

Pinunasan ko ang pisteng mga luha. Ang sakit-sakit tangina. Humakbang ako at akmang papasanin siya sa balikat ng bigla niya akong sinampal.

"Ikaw na ngayon ang pinuno ng samahan, Titan. Papaano mong magagawang iwan ito?"

"Sinabi ko na sayo na hindi ganito ang pinangarap kung buhay para sa atin! Kaya halika na." Pilit ko siyang hinihila pero hindi man lang siya gumagalaw.

"Hindi ko iiwan ang grupo! Hindi ko sila tatalikuran . Kung aalis ka, ako! Ako ang papalit sa'yo. Kaya umalis ka na!"

Tinulak niya ako pero niyakap ko siya. Nagpumiglas siya at parang dinurog ang buong pagkatao ko nang sampalin niya ako.

Pareho kaming nagulat. Pero agad siyang nakabawi at itinulak ako papalayo.

"Umalis ka na!"

Hindi pa ba siya napapagod sa buhay na meron kami? Ako kasi pagod na pagod na.

"Ginagawa ko 'to para sayo." Mahina at nahihirapang sabi ko sa kaniya.

Umiling siya. "Pwes ako hindi. Ipaghiganti ko sina mama, papa—

"Wala na bang ibang paraan?" paos kong bulong sa kaniya.

Kung ako kasi ang tatanungin, maraming paraan. Kailangan bang maging rebelde para makapaghigante sa mga punyetang politiko na'yon?

Kasi mula ng magkamalay ako ni isa wala pa kaming napapatay sa mga demonyong iyon. Kami iyong parating nawawalan kasi wala kaming laban.

Ako iyong naaawa sa mga kasama ko kasi marami kaming kasamang mga bata at parating ang buhay ay nasa gilid ng bangin. Isang maling hakbang, ayon wala na.

Sayang. Napakasayang kasi malaki pa sana ang magagawa nila.

Paano kung isa pala sa mga bata dito maging abogado sa hinaharap? Eh di may magpapakulong na sana sa mga kaaway namin.

Bago namatay si ama sinabi ko sa kaniya ang gusto kong mangyari. Ngumiti lang siya at tinapik ang aking balikat. Pero sabi niya hindi daw papayag ang mga taong 'to.

Tama nga si ama. Nabulag sila ng sobra ng mga supplier namin. Sila ang nagsusupply ng pagkain at armas namin sa bundok at nagpapaikot sa mga tao dito.

Kung sino sila? Hindi ko alam. Tiyak na kasapi rin ng pamahalaan. Hindi ko sila maintindihan.

"Wala. Tanggap ko nang ganito ang buhay ko, titan."

Napasabunot ako aking buhok, hindi ko na alam.

"Ganito nalang, hindi mo ba kayang talikuran ang lahat para sakin? Samin ng anak mo?" Pagmamakaawa ko pa sa kaniya.

Nagkatinginan kami at sa tingin palang niya alam ko na ang sagot. Ang daya. Mahal na mahal ko siya at handa kong itapon lahat sa kaniya pero—

Siguro ganito talaga. Nagkataong minahal ko siya ng sobra samantalang siya kulang pa ang nararamdaman para sa'kin. Napailing ako at napangiti ng mapait.

Malas.

"Mama, Papa!"

Pareho kaming napabaling sa pinanggalingan ng boses at naroon si Jiji, ang apat na taon naming anak.

Anak siya ng isa sa kasamahan namin na nasawi kaya kami na ang tumayo bilang magulang niya. Agad kong niyakap ng mahigpit si Jiji.

"Papa, bakit ka umiiyak?" Hinalikan ko siya sa noo at ngumiti.

"Wala nak, nagkatampuhan lang kami ng mama. Di ba nga aalis pa tayo? Gusto mo tumira sa totoong bahay, yung hindi gawa sa cogon?"

Ngumisi si Jiji at kitang-kitang ko ang kaniyang gilagid. Biglang gumaan ang aking pakiramdam.

Napadapa kami ng makarinig ng isang putok. Nagkatinginan kami ni Zyra. Tinakpan ko agad ang dalawang tenga ni jiji.

Makaraan ang ilang segundo ay sinabihan ko siyang bumaba sa ilog at magtago sa malalaking bato. Tumango naman ang bata. Mabilis naming hinanap ni Zy ang pinanggalingan ng putok.

Padapa akong dumaan sa talahiban at agad na sinaksak ang binti ng sundalong unang nakita. Inagaw ko sa kaniya ang hawak na baril at ipinokpok sa ulo niya. Magigising din siya.

Kailangan ko lang talagang hiramin ang baril niya dahil kailan kong protektahan ang mag-iina ko. Matapos patamaan ang mahigit anim na sundalo ay agad akong bumalik sa pinagbilinan ni jiji.

Wala sa pinagtataguan ang aking anak! Naghanap ako sa paligid at mula sa kabilang parte ng sapa ay nakita ko si Zy na kinakarga sa balikat ang umiiyak na si Jiji.

"Zy! Bumalik kayo dito!" Sigaw ko at mabilis na tumalon sa malalaking bato. Ang lakas ng ulan kagabi kaya madulas at malakas ang kuryente ng tubig. Maputik din ito.

"Kahit si Jiji na lang, maawa ka sa anak natin!"

Akmang tatalon ulit ako ng makaramdam ako ng hapdi sa balikat. Napaangat ako ng tingin sa babaeng mahal na mahal ko. May hawak itong baril at nakatutok sa'kin. Binaril niya ako.

"PAPA!!"

Malakas na sigaw ni jiji na nagpakurba ng aking labi. Nanlalabo ang aking paningin at umiikot na ang paligid. Pinagmasdan ko lamang sila sa malayo.

"Babalikan ko kayo..."

Sumpa ko bago ako nahulog sa tubig at natangay ng agos.

🎬

Your Highness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon