XVII. NEGLECT

205 13 3
                                    

Less than two months before election at sobrang busy na namin dahil campaign period na. At dahil ang alam ng lahat ay kasintahan ako ng tumatakbong presidente, it's like a spoken rule na dapat ako ang mag-oorganisa ng lahat.

"Can you ask the management to bring more mineral waters?" I ordered one of the staffs.

We're currently in the province of Isabela for the campaign pero hindi namin inasahan ang pagdagsa ng maraming tao. Lumagpas sa estimate namin. Matanda pa iyong karamihan. Idagdag pa na sobrang tirik ng araw.

The program will start at 2 in the afternoon pero alas dose palang ang dami na ng tao. Sinadya talaga namin na sa hapon na ganapin dahil alam namin na maraming ginagawa sa probinsya lalo na kapag umaga.

"Iyon na nga po ang problema, Miss Vana. Hindi namin macontact iyong in charge!"

Nagpapanic na sagot ng staff sa'kin. I composed myself. Hindi pwedeng paganahin ko ang init ng ulo ngayon.


"Okay. May palengke ba dito? Grocery stores?" Mahinahon kong tanong sa kanila.


Mabuti nalang at sumagot ang isang supporter na tagarito sa Isabela. Sabi niya meron daw, mga 15 minutes ang layo kung magmo-motor.


"Listen everyone!" I gathered our staffs at pinalabas ko na rin iyong iba sa tents.


"Gusto ko ipamigay niyo na iyong mga payong sa mga tao kasi ang init-init na. Sabihin niyo na rin sa kanila na pupwede na silang kumuha ng mineral water kung nauuhaw sila. I'll just get more supplies of water sa centro. I'll be back."


They all answered "yes" in unison. I nodded.

"Oh, and for the medical team I want everyone alert incase may mga accidents. Sobrang init pa naman ng panahon. Keep eye to the people."

Huling bilin ko sa kanilang lahat bago sinuot ang helmet at pinasibad ang motor na hiniram ko pa sa isa sa mga staffs.


Ako na mismo ang bibili ng additional mineral waters dahil baka uminit na talaga ng tuluyan ang ulo ko kapag nahuli pa rin ng dating.

As much as possible, I want Titan's campaign to go smoothly. The people have high expectations of him and there should be no room for disappointments. Like what I said, I see no one capable of the president's position other than him.


I'm doing this not because I am Titancio Jansenn's girlfriend in the eyes of everyone. More than his partner, I am also a citizen who have the right to vote for who she thinks is deserving enough to lead the people and the nation.


And Titancio Janssen Alpharon is my only President.

•••

"I said where's my wife?!"

The supporters outside the tent immediately went to the sides when they saw me going down the vehicle.

Medyo natagalan ako kasi nasa likod lang ako ng truck na pinagdeliver ko ng mga water bottles. I know that I'm pressuring them by tailing the truck pero gipit lang talaga ako kaya pasensiya na. Baka ubos na iyong tubig na stocks namin. Kailangan nilang magmadali! And now we're finally here.

"Bakit siya iyong pinabili niyo?! Alam niyo bang ang init-init sa labas?!"

I rolled my eyes. Ang OA talaga nitong si Titancio kahit kailan. Hinawi ko ang pinto ng tent at sumalubong kaagad sa akin ang nag-aapoy niyang tingin.

"Ang aga niyo naman ata? Ala-una palang." I offered him water pero hinawi lang niya ito. My right brow raise at his gesture.

"Ikaw ba naman gumising ng walang katabi sa kama tapos malalaman mo pa na umalis na pala papuntang Isabela."


Your Highness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon