Thank you to @rmstle for letting me borrow her sobrang ganda na shardon edit as cover 🤗
---
"Despidida?"
Tumango si Tatay. Ilang araw na rin ang lumipas at sobrang lapit na ng eleksyon. Nasa hapagkainan kaming lahat ngayon upang makinig sa gustong sabihin ni tatay.
"Hindi naman halatang atat silang paalisin ka niyan?"
Tatay chuckled. "Hayaan niyo na hindi naman tayo gagastos. A-attend lang naman tayong apat."
Oo nga naman, pero tiyak na may makikita na naman akong di maganda. Ngayon pa lang, sumasama na pakiramdam ko.
"Wyn, how sure are you na sasama itong apo mo?" Nanay Ebang pointed Jisius with her lips. Iyan din iniisip ko.
"I'll go."
Napabaling kaming tatlo sa anak ko. This would be the first time he'll be exposed to those powerful clans.
"Will you be okay?" I ask.
"I'll be fine, my. Besides tayo namang lahat ang pupunta. Pwede rin naman akong magtago sa ilalim ng saya ni Lola kapag natakot ako. O di kaya sa likod ni lolo o sayo?"
Natawa kami. These past few days, napapadalas ang pagngiti ni Jisius. If this is because of adulthood then I'll be the happiest mom alive. Akala ko mas magiging aloof at malamig ang anak ko kapag nagbinata na. Buti at mukhang baliktad ata. Sana.
"This would be the first time na makikilala nila ang nanay niyo at itong apo ko." Tatay continued. He looks proud. Inabot niya si Jisus at ginulo ang buhok ko. Ngumiti lang ang paslit at nagpatuloy sa pagsubo.
"Kailan daw, Alwyn?" Tanong ni nanay.
"Night before the day of election, mahal."
Nanay nodded. "Ako na ang bahala sa susuotin natin. Papupuntahin ko rito iyong team ko. How about the press?"
Umiling si tatay. "Its intimate pero marami-rami rin ang dadalo na mga alam niyo na— politiko at pamilya nila."
"Isa ka rin sa mga naging malaking sagabal sa mga plano nila. Now, they're throwing you out." Sabi ko sabay subo ng fried rice.
I'm telling the truth. It was hard for Tatay to stop them but it was more hard for them kasi naaantala ang mga plano nila. Idagdag pa na naipakulong iyong iba pa nilang mga kasama. Ba't kasi kaban pa ng bayan ang ninanakaw nila at worst ginagamit sa mga illegal na gawain?
Kaya gumagapang sa putik itong bansa. Tapos sinisisi nila sa mga walang trabaho, kabataan at kung ano-ano pa. May punto naman sila pero bilang lider dapat manguna sila hindi ba?
Ang gobyerno at mga tao dapat nagtutulungan pero ang nangyari naghihilahan sila pababa.
Tatay smirked. "Right. All we need to do is ride them."
"They're confident because the benchmark pool is favoring the current vice president." Segunda ni Nanay Ebang.
"Oh? Talaga ba?"
Wala kasi talaga akong ginawa nang mga nagdaang araw maliban sa pangugulo kay Jisius. Kahit manood ng TV hindi ko ginawa. Isa pa may iniiwasan kasi talaga akong makita.
Baka mas lalo lang akong mainis kapag nakita ko pa siya sa telebisyon. He's literally in my dreams everynight and when I idle at day, siya palagi ang dahilan. How fuck up right?
BINABASA MO ANG
Your Highness
RomanceShe's the presidential daughter. He's the son of the rebellion ruler. First installment of Yours Series. UNEDITED
