"I am also Alwyn Rama's daughter. We're sisters."
I laughed out loud at her confession. She was very confident that it sounded so funny to me. Baliw ba 'to?
It looks like my laughter irk her so much kaya akmang sasampalin niya ako pero maagap kong nahuli ang kamay niya. Malakas ko itong binitawan pagkatapos.
"Kaya ka galit na galit sa akin na umabot pa sa puntong pinagtangkaan mo ang buhay ko?" I smirked.
Hindi siya sumagot pero nanatili ang galit niyang tingin sa'kin.
"You think I have everything habang ikaw andun sa bundok at naghihirap? Galit ka kasi inalagaan ako ni Tatay samantalang ikaw pinabayaan niya sa bundok? Bakit ka naman niya hahanapin eh hindi ka naman niya anak. Nag-iisa lang akong anak miss."
Diniin ko ang salitang nag-iisa para mas maintindihan niya. Subalit tila ba mas lalo lamang siyang nagalit sa sinabi ko. Siguro iniisip niya na hindi ko matanggap ang katotohanan kaya dini-deny ko ang mga sinabi niya.
Bakit ko naman gagawin iyon? Isa pa hindi ang Tatay ko ang klase ng tao na pabaya sa magiging mga anak niya. Baka ibang Alwyn ang tinutukoy nito.
Sa halip na tingnan ang kaharap ay bumaling ako sa ibang direksyon. Hindi ko alam ang gagawin ko sa kaniya.
Alas kwatro pa lang ng hapon at may araw pa rin pero hindi na kasing-init ng kanina. Naisipan kong lumabas na pero pinigil ako ng mga sinabi niya.
"Anak din ako ng presidente! Hindi mo lang matanggap kasi ayaw mo sa akin!"
Napahilot ako sa sentido ko. I want her to stop. Paano ba 'to?
"Ilang taon ka na?"
"27!"
"You're a year older than me, then." I whispered slowly.
Suminghot ako ng may naamoy akong kakaiba. Lumipad ang tingin ko sa kaniya at nakita ko na may takip na siyang panyo sa ilong at bibig. Nagiging foggy na rin ang loob ng sasakyan. Napasinghap ako.
I ran out of breath at nawawala na rin ako ng lakas. Pilit ko siyang inaabot pero umaatras na siya.
Pinakita niya sa'kin ang isang bote na hula ko ay pinagmulan ng usok sa loob ng sasakyan.
"Akala ko tinapon na niya ang mga ganito pero mukhang nandito pa rin sa sasakyan. Kapag hindi ka nila nakita agad mamamatay ka na ng tuluyan."
Nanlamig ang buong katawan ko. "W-wag—
"Paalam, kapatid ko." Humalakhak siya at pinandilatan ako bago dahan-dahang binuksan ang pinto ng kotse at baliwalang lumabas.
Hilong-hilo na ako at alam kong konti na lang ay mawawalan na ako ng hininga. Walang lakas akong tumingin sa labas gamit ang bintana. Baka ito na ang huling pagkakataon na makakita ako ng liwanag.
Nabigyan ako ng pag-asa matapos makita si Titan na papunta rito pero sinadya siyang banggain ni Zyra at pinunasan pa ang luha sa harap niya. Titan look shock and worried.
My tears fell. Idagdag pa na wala na akong lakas upang mabuksan ang pintuan at wala akong magawa maliban sa pagtanaw sa kanila gamit ang bintana.
Tuluyan akong nanlumo matapos makita ang pagtalikod ni Titan at paghabol sa tumatakbong si Zyra.
Bago pa ako mawalan ng malay ay bumukas na ang kabilang pintuan ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Your Highness
RomanceShe's the presidential daughter. He's the son of the rebellion ruler. First installment of Yours Series. UNEDITED