OO.OO

372 21 11
                                    

Wakas

"Hindi naman kailangang mag-aral ni Titan, Riven. Siya ang susunod sa pamumuno mo kaya dapat nandito lang siya sa kampo, nagsasanay!"

Hindi ako nakarinig ng sagot kay ama. Alam kong wala namang magagawa ang lalaking Camino kaya inayos ko na ang backpack at inilagay sa magkabilang balikat. Lumabas na ako ng kubo namin. Walang makakapigil sa'kin. Mag-aaral ako dahil gusto ko.

"Titan! Babalik ka na sa paaralan mo? Pagbalik mo, turuan mo ulit ako." Salubong sa'kin ni Zyra. Tumango naman ako at hindi na siya sinagot.

Malayo pa ang lalakarin ko pababa mg bundok. Mga tatlong oras ang aabutin kaya madaling araw palang aalis na ako. Fourth year highschool na ako sa isang malaking paaralan na nasa kabundukan.

Meron itong sariling dorm para sa mga estudyante dahil nasa gitna nga ng bundok. Marami din kaming mga bantay dahil sa takot na baka lusubin ang paaralan. 30 years ago, sinunog daw ito ng mga rebelde at abo lang ang natira matapos umuwi ng lahat. Pinatayo lang ulet kasi sobrang ganda at lawak ng ground kaya pina-rebuilt agad.

Hindi ko alam kung bakit nila sinunog, siguro dahil maraming nag-aaral na anak ng mga malalaking tao dito. Mayroong anak ng senador, kongresman, mayor at mga negosyante. Hindi ko alam kung bakit dito nila pinapa-aral ang mga anak nila. Kunsabagay, anak nga ng rebelde nandito. Ako.


May rason naman ako. Itong paaralan kasi ang malapit sa kampo namin. Hindi naman kami wanted kaya malaya along nakakapag-aral. Kailangan ko lang maging maingat kapag umuuwi samin.

Malapit na ako sa paaralan nang may marinig na kakaiba.Kumunot ang noo ko at hinanap ang pinanggalingan ng boses. Dinala ako nito sa ilalim ng balete.


Nilapitan ko ito at nakita ko ang isang nakayukong babae. Yumuyugyog ang balikat nito at hindi matigil sa pag-iyak. Nahahati sa dalawang bahagi ang buhok nito na parehong may tali.

Hinawakan ko ang ulo niya kaya napaangat siya ng tingin. Hindi ako nakagalaw agad. Wala sa sariling pinunasan ko ang mga luha niya sa pisngi. Inayos ko ang bangs niya na nawala sa ayos dahil sa pag-iyak niya. Nanatili lang siyang nakatingin sakin.

Kalaunan ay hindi na ako naging komportable sa titig niya at sa ginawa kong pagpunas sa luha niya kaya napaatras ako.

Napatikhim ako. "May kalayuan ito sa paaralan natin kaya papaanong napunta ka dito?" Magkapareha kasi kami ng uniporme kaya iyon ang nasabi ko.

Nag-iwas siya ng tingin. "Nagpapahangin lang."

Mag-aapat na taon na ako sa paaralan pero bakit hindi ko man lang napansin ang tulad niya? Malamang Titan hindi mo naman tinitingnan sa mukha ang mga nakakasalubong mo. Maliban nalang sa mga ka-org mates mo.

Your Highness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon