Lumaki akong may galit sa gobyerno. Isinisi ko ang lahat sa maruming pamamalakad nito. Kung bakit namatay ng maaga ang nanay ko, kung bakit naging ganito ang buhay namin.
Pero habang lumalaki, unti-unti ko ring naiintindihan ang lahat. Ito ang naging desisyon ng tatay ko, ito ang pinili niyang prinsipyo. Hindi ng kahit kanino. Siguro nga iba ako, kasi hindi ko makita ang sarili sa hinaharap sa ganitong buhay.
Sa loob ng ilang taon naming pamumuhay sa bundok, wala naman kaming pinatay mi isa. O sadyang ayaw lang niyang ipakita sakin. Hindi ko alam sa tatay ko pero sa halip na puntiryahin ang mga nasa gobyerno mas pinapahalagahan namin ang pagtulong sa mga tao.
Pero may mga pumupunta at kumakausap sa kaniya na mukhang kagalang-galang at napakataas na tao.
Para sa isang samahan, marami kaming pagkain at armas maliban nalang talaga sa permanenting tirahan. Nakakapag-aral din ako. Hindi ko alam kung dahil ba anak ako ng pinuno o ano.
Wala naman akong balak pumatay. Nagbago lang naman lahat pagkatapos kong tumungtong ng edad labing apat. Kahit nang namatay nanay ko hindi naman nabalot ng sobrang galit ang puso ko.
Galing akong paaralan at ilang linggo ding hindi nakauwi. Kaya lang iba ang nadatnan ko sa pinagtataguan namin.
Binati ako ng usok, dugo at nakahanay na patay na katawan ng mga tao. Nagkalat ang ilang mga lumang gamit, pati ang alaga kong aso ay may tama ng baril! Tangina!
Bumuhos ang mga luha ko dahil sa labis na galit. Hindi kami nananakit ng tao pero tinutugis kami parati ng mga sundalo. Ganoon ba kaduwag ang pamahahalaan sa mga tulad namin? Ang nais lang naman namin ay pagbabago. Ibang paraan nga lang.
Pinalis ko ang luha at mabilis na nagtago sa talahiban matapos makarinig ng mga yabag.
"Senador, sigurado na po ba kayo rito? Maling kampo po itong nasugod natin. Balita ko ay tumutulong sila sa mga tao na nasa sentro."
Hindi lingid sa kaalaman namin na may iba pang grupo sa bundok. Minsan kasi lumalapit sila kay ama at nanghihingi ng pagkain. Balita ko nga may napatay silang opisyal ng gobyerno kamakailan lang. Ibig bang sabihin nadamay lang kami?
"Patahimikin mo ang mga tao kung ganon. At ano ngayon kung ibang kampo?! Pareho lang naman silang mga rebelde! Asan na ba iyong sinasabi mong reporter?!Malaki-laking coverage din itong makukuha nila sakin."
Kumuyom ang mga kamao ko at sinaulado ang buong mukha ng demonyo. Mga hayop! Biglang may tumakip sa bibig ko at dinala ako papalayo sa lugar.
BINABASA MO ANG
Your Highness
RomansaShe's the presidential daughter. He's the son of the rebellion ruler. First installment of Yours Series. UNEDITED
