(A/N: sorry po sa late update. tapos na po kasi ang klase namin. bakasyon na at sa labas lang ako nakakapag-update. Sana po magustuhan niyo ang update na ito kahit palaging bangag ang inyong Author ^^ Enjoy!!!)
Vote and Comment
_____________________________________
Chapter 7: Shadows
----LORILEI’S POV----
Mahirap pala talaga ang maging member ng student council kasabay ng pagiging scholar. Lalo na ngayon, food fest na next week. Huli pa kami dahil nga sa kaartehan nung dalawang asungot. Tapos ang natitira naming advantage ay nawala pa. Paano ba naman, binawalan si JD ng teachers na mag-hands-on dahil especialty daw nito ang cakes and pastries pero pwede siyang tumulong by instructing us what to do and in decorating the cake. Kumuha na lang ako ng stick-o at kumain habang nakatanaw sa ground sa ibaba. PE pala ng ZEUS ngayon. Napatingin ako kay May. Nakatanaw siya sa ibaba, siyempre, naroon ang super duper ultimate crush niya. Ang complicated nga magka-crush ng taong ‘yan. Sa dinami-rami ng tao sa campus, kay Xandro pa talaga siya nagka-interes.
AH! AM BORED!
Si Damuho kasi ang teacher namin eh. Siya ang pinakaboring na teacher sa lahat tapos Physics pa ang subject na hawak niya. Gusto ko tuloy sumali sa Zeus, badminton pa man din ang nilalaro nila, My Favorite!
“Ms. Santiago, are you with us?”
“Yes Sir.”
“Then solve the number 7 problem on the board.”
I looked at my book. Accelaration. Isip, isip. AH! Pumunta na ako sa harap. I made use of the shortcut para mabilis. Solve. Solve. Solve. Voila! Bumalik na ako sa upuan ko.
“Very good but you used a shortcut. Paano maiintindihan ng classmates mo ang ginawa mo? And we have an agreement in this class that we will not use any shortcuts, right?”
“Sorry Sir.”
“okay, back to our lesson.”
May pinagawa siyang exercises sa amin. Nilingon ko siya saktong lumingon din siya sa akin. Our eyes connected and he grinned at me! What’s that for?!
PE. Sa Badminton Court
Excited na akong maglaro pero hetong si Sir Roi ay busy pa sa pagtuturo ng history ng badminton. Nang matapos niya ang lecture ay ibinigay na niya sa amin ang remaining time para maglaro. We only have one hour left to play so we got our own rockets.
“Okay, every pair has 8 minutes to play. The winner will get perfect 50 and the loser will get 25 points. Do your best to the limit students!”
And the game starts.
Apat na courts gagamitin namin. Sa first batch ako nakasama samantalang sa second batch naman si Loviel at Carter. Si May at JD ay magiging magkalaban sa third batch. At dahil paborito ko ang badminton, I won! 10 vs 8! Naupo ako sa pinakamataas na bench. Nilampaso naman ni Carter ang kalaban niya. Mahilig din kasi si Carter maglaro ng badminton. Paborito ko nga siyang kalaban eh. Si Loviel naman ay nahirapan sa kalaban niya dahil kasama sa players ng school eh. Nanalo ang kalaban niya. Nagpe-prepare na para sa game si May and JD, seryosong laban yata ito, nakaka-excite! Narinig ko ang pagpito kasabay ng pag-upo ng isang nilalang sa tabi ko.
“ Carmay Delos Santos, a champion of badminton during her elementary years, versus the son of the School Representative in Badminton. Nice pair.”
“Sir Hans! Saan mo nalaman iyan?”
“Sources. Maglalaban na sila oh. Trivia, pinatigil ng parents niya si May sa paglalaro ng badminton ng malaman nilang may Heart Failure pala siya.”
BINABASA MO ANG
A DANGEROUS LOVE (BOOK 1): SECRET RENDEZVOUS
Teen FictionCOPYRIGHT © 2012 by Myuko Uchiha Paano ba umibig ng isang taong walang pakiramdam? Iyon bang napakamanhid at walang pakialam sa ibang tao. Iyong tipong ang tingin sa lahat ay mahina. Siguro, nakakabaliw.... O kaya naman, nakakaasar. Lalo na, nakakas...