A/N: Ang saya-saya ko lang kasi wahhh!!! Basta dedicated to sa kaniya kasi I Love Her! Pinaligaya niya ako ng sobra-sobra! Yurimika! Salamat ulit ng marami! Surprise!
Vote and Comment po ^^
_______________________________________________
Busy ang lahat sa paghahanda para sa intramurals. During intrams, facilitator lang ang mga original players ng every sports. Hindi sila pwedeng sumali sa mga laban. May kaniya-kaniya ng nasalihang sports ang barkada. Si Lei at JD ay sumali sa badminton mix doubles. Maganda kasi ang team up nila. Si Carter naman at May ay sa chess at si Ayra ay sa scrabble samantalang si Loviel na dating kasali sa varsity ay naghahanda para sa student vs teacher game nila 5 days from now. Hindi pa nila alam kung sinu-sino sa mga teachers ang kasali sa game pero talagang pinaghahandaan na nila.
----LOVIEL’S POV----
Kahit sino pa sa mga teachers ang makakalaban ng team basta ako gagalingan ko lalo pa’t maganda ang aura ko ngayon. Bakit? Ganito kasi ‘yun. Two weeks ago…
*Flash Back*
“Would you go out with me?”
Please Lei, say Yes! Sh*t ang cute niya kapag namumula!!!
“Go out lang ha.”
“Oo. Kung baga nasa ‘gotta know each other’ pa lang.”
“S-Sige..”
“Talaga?”
“Gusto mo bawiin ko?”
“WAG! YES!!!!”
Alam niyo ‘yung feeling? Cloud 9!
*End of Flash Back*
Kay heto, two weeks na kaming nagde-date pero every Friday and Saturday lang kasi ayaw daw niya. Pero lagi ko naman siyang hinahatid tuwing uwian, yun nga lang kasama si May. Ah basta! Ha-
“Heto na ang pinakahihintay ng lahat ng 4th years, tama naman hindi ba? The line up of Next-In-Line.”
Si Principal! HETO NA!!!!
Takbo sa classroom.
“Guys! Next-In-Line Line up is out!”
Balita ko sa lahat. Parang naging sementeryo ang buong 4th year building sa katahimikan dahil gusto nilang marinig ang mga tagapagmana ng trono ng nakaraang batch. ‘yung tipong pinamanahan ka ng karangalan. Haha! Basta! Sa totoo lang, dinig naman ito sa buong High School Division. After ng ilang seconds ay sinabi na ni Principal ang line up. Ang pasok sa barkada namin ay;
Bokalistang Hearthrob: Loviel Cruz
Rakistang Hearthrob: John Daniel Villacarta
Cool Geniuses: Lorilei Santiago and Charles Montero
Silencer: Xandro Castillo
Scariest Student Council President: Kenneth Yuan Hernando
Deep Crimson Heart: Carter Feria
Kita mo ‘yun?! Bokalistang Hearthrob?! Ang lakas talaga ng Trip ni SJ! Ina-announce pa ni Principal ang ibang mga tagapagmana bago nawala sa intercom.
“Pare! Bokalistang hearththrob huh?” –JD
“Sabi ko sa’yo eh! Matagal ng may pagnanasa sa akin ‘yang ex mo.”
“Lul! Si Lulu ang may gusto sa’yo! Baka siya ang nagsuggest ng title mo!”
Si SJ or Sarah Jane ang Student Council President last year samantalang si Lulu naman ang Vice niya. Well, ang gwapo ko ano? Pati nakaraang batch, may nagkakagusto sa akin! XD nilingon ko si Carter na nakanganga pa rin.
BINABASA MO ANG
A DANGEROUS LOVE (BOOK 1): SECRET RENDEZVOUS
Dla nastolatkówCOPYRIGHT © 2012 by Myuko Uchiha Paano ba umibig ng isang taong walang pakiramdam? Iyon bang napakamanhid at walang pakialam sa ibang tao. Iyong tipong ang tingin sa lahat ay mahina. Siguro, nakakabaliw.... O kaya naman, nakakaasar. Lalo na, nakakas...