(A/N: thanks po sa pagsubaybay... -smiles-..
Vote and Comment
Thank You ^^
Monday. Sa left wing hallway.
----CARMAY’S POV----
Yehey! Monday na naman and this is my third week in MCHS after transferring. Well. Harmless naman ang mga tao dito at ako lang siguro ang Harmful, BWAHAHAHA. Okay, tama na sa kabaliwan. Naghahanap kasi ako ng magandang spot para mag-drawing at mag-soundtrip total wala naman akong kaibigan sa ngayon. I’m such a loner. So, saan kaya? Hayon! Maganda pala ang garden dito sa likod ng Left wing Hallway. Pero teka? What’s happening here? May nag-uusap… Kaya sa sobrang kyuryosidad ko ay lumapit pa ako. Nakalimutan ko bang sabihin na may pagka-tsismosa ako? Hehe
“ano… kasi… Xandro… I… I like you!”
Hala! Wow! Confession! I like this! I love scenes like this!
“Really? You like me, eh? Sorry but I don’t like trashes.”
ANO RAW? SINONG BASURA?
Nakita kong umiyak ‘yung girl. Naawa ako. Bakit ba may ipinanganak na lalaking ganito ang ugali? Pwede namang mang-reject ng girl in such a way na hindi ganoon ka-harsh. Nakakaasar siya ha. Kaya iniwan ko sila. Nawalan na rin ako ng ganang mag-drawing kaya pinili kong bumalik na lang sa classroom. Ibinalik ko lahat ng gamit ko sa bag pero may nawawala. MY PRECIOUS PARTNER! MY PENCIL!
Tinakbo ko ang garden. Pag-ikot ko ay napabalik ako sa hagdan ng hallway at sumilip ng kaunti. Ang heads ng Fans Club kuno ni Xandro? Anong ginagawa nila doon sa babae? At… iyon ‘yung nag-confess kay Xandro kanina.
“Look at you, you poor little trash. You got rejected? Well, you deserved it anyway. And because you dared to disturb our Prince Xandro’s time, I shall punish you. Girls?”
Whoa! Itinulak nila ‘yung girl sa wall at nasaktan ito? Sipain ko kaya sila? Teka, what the…
I’m not a hero pero di ko kayang makakita ng taong binubugbog babae man o lalaki kaya pumagitna na ako at niyakap ‘yung babae. Umiiyak na siya kaya lalong kumulo ang dugo ko. Call me weird and stupid.
“Anong ginagawa niyo? Bakit niyo siya pinagtutulungan?”
“whoa! You’re the transferee? Hoy! Huwag kang mangialam ha, kung ayaw mong masaktan. Pakialamera!”
Oo nga naman. Pero WTH! Matagal na akong pakialamera! You don’t have to say it LOUD!
“Hindi ako pakialamera, nagsasabi lang ako ng totoo. It’s not right to hurt someone who just confesses to the one she likes. You are just a fan just like her. You don’t own Xandro Castillo. No one owns him!”
“don’t talk as if you own him yourself, b*tch.”
And wow! She… SLAPPED ME?!
----NORMAL POV----
Left wing hallway.
“May nalalaman pa siyang ‘Lets revise the rules’ siya din naman pala ang masusunod. He tricked everyone.”
Naaasar na tungayaw ni Lory habang sunud-sunod ang pagkain sa hawak na nagaraya.
Tawa naman ng tawa si Loviel na kaya tiningnan ito ni Lory ng masama. Nanahimik naman ang kuneho na kasabay ng dalaga sa paglakad papunta sa kanilang classroom. Kumain na lang ulit si Lory.
“Akala ko talaga, wala kang pakialam sa nangyari noong Friday, yun pala ikaw ang sobrang apektado.”
“Sino bang hindi maaasar?! Pinagpuyatan ko kaya ‘yung report tapos mapupunta lang sa wala!”
BINABASA MO ANG
A DANGEROUS LOVE (BOOK 1): SECRET RENDEZVOUS
Novela JuvenilCOPYRIGHT © 2012 by Myuko Uchiha Paano ba umibig ng isang taong walang pakiramdam? Iyon bang napakamanhid at walang pakialam sa ibang tao. Iyong tipong ang tingin sa lahat ay mahina. Siguro, nakakabaliw.... O kaya naman, nakakaasar. Lalo na, nakakas...