Chapter 2: Hansel

166 15 2
                                    

(A/N: wiw! nakakagutom ba ang title? hehe salamat po sa mga nagbabasa ng stories ko! -bows- sana patuloy niyo po akong suportahan.)

----LORILEI’S POV----

Alam kong haggard ang itsura ko ng mga oras na iyon pero wala akong pakialam.

Nakakainis naman kasi! Saan ba nakuha ng damuhong Hansel Karlo Montemayor na iyon ang litratong iyon. Maingay ang klase namin.

Dinig hanggang labas ang ingay ng mga tao sa classroom pero nung pumasok na ako, natahimik silang lahat. Ang iba ay nakanganga pa habang nakatingin sa akin. Nakaupo na ako sa aking upuan ng marinig kong magsalita si JD.

JD: ‘nangyari sa’yo?

Loviel: Hindi ka siguro nakatulog kagabi? Sinong kasama mo?

Hindi ko sila sinagot. Nakakainis ang tanong ni Loviel eh.

Sino daw kasama ko? Sapatusin ko kaya siya?

Yumukyok na lang ako sa mesa. The heck? Sino ba naman kasi ang makakatulog after malaman mo na may iba nang nakakaalam sa iyong pinakatatagong mong sekreto? Well, exaggerated lang ako. Alam na kasi ng barkada nila Loviel ang tungkol sa sekreto ko pero hindi lahat.

Curious kayo kung ano ‘yung nasa picture no? Ayaw ko ngang sabihin. Eh di nalaman niyo din ang sekreto ko at hindi na lang si Damuho ang nakakaalam? By the way, iyon nga. Buong gabi ako hindi nakatulog kakaisip kung paano ko makukumbinsi si damuho na huwag iyong ikalat. Well, hindi naman madaldal ang isang iyon. Loner pa nga yata eh. Siguro naman safe ang sekreto ko sa kaniya. Naramdaman kong may nag-squat sa harapan ng mesa ko at hindi pa nasiyahan, the person is poking my head pero hindi ko siya pinansin. Masyado akong puyat para pansinin siya.

GUSTO KONG MATULOG!

Loviel: Hey. If it’s about yesterday, I didn’t mean to drag you to my problem with President. Sorry na.

Napatingala ako ng wala sa oras.

Anong pinagsasabi ni Loviel?

Naisip ko lang siyang lokohin. Well, tinotopak ako ngayon dahil kulang ako sa tulog. BWAHAHA!

Me: It’s not about you. Pero dahil pinaalala mo, pinapatawad na kita.

At nginitian ko siya.

Haller! Crush ko nga, First Love pa kaya magagawa ko bang magalit sa kaniya. Isa pa nakalimutan ko na nga ang nangyaring iyon with President Yu. Pinaalala lang nitong si Loviel. Ngumiti din siya sa akin. Hayun, bumilis na naman ang pagpitik ng puso ko. Corny…

Tapos nakita ko na lang ang mukha niya, malapit na sa akin.

Shocks! I can’t take it anymore. Umiinit ang mukha ko! Wait! Don’t tell me na nagbablush ako!? No way! Teka! Bakit hindi ako makagalaw?! Ang lapit ng mukha niya! Ang… bango ng hininga.  What the? Hinalikan niya ako sa ilong?! Uwah! Hihimantayin na ba ako? Narinig kong nagsigawan ang mga kaklase ko. Grabe! Kilig din sila! So totoo ngang hinalikan niya ako sa… sa tuktok ng ilong ko!

JD: Cheesy niyo! Sigurado ba kayong hindi kayo?

Classmates: Whoo! Ang init!

Nagkatitigan kami. Tapos narinig kong may nagbasak ng kung ano.

Panira naman o!

Sisigawan ko na sana ang istorbo ng makilala ko kung sino siya. Ang lamig niyang makatingin ha. Nakonsensiya tuloy ako. Nakonsensiya? Naalala ko ‘yung litrato kaya napahinga na lang ako ng malalim.

A DANGEROUS LOVE (BOOK 1): SECRET RENDEZVOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon