----HANSEL'S POV----
Laging patay ang ilaw ng bahay niya. Palagi din siyang wala. Tapos malalaman kong naroon siya kina Carm. Maabutan ko man, tulog naman na daw. Hindi na rin siya pumupunta sa rooftop ng old building even though I texted her. Hindi rin niya sinasagot ang tawag ko. I know she needs some space to absorb everything I said and everything she learned about her family but... I'm worried about her. Is it really the right thing to do? Tama bang inalam ko pa ang nakaraan niya O masyado akong naging pakialamero? But if its not me, who else will help her in finding the truth about her existence?
Kung alam ko lang na ganoon kasakit ang nakaraan niya, nila ni Lory Anne, pipiliin ko pa bang malaman niya?
Alam ko ang feeling ng hindi mo alam kung sino ang totoong mga magulang mo. 'Yung feeling na may kulang sa pagkatao mo pero, tama bang nakisawsaw pa ako?
Hindi man lang siya umiyak o nagpakita ng pagbabago habang magkasama kami sa pagkilala sa Mama niya. I thought it was alright but its not.
----LORILEI'S POV----
"Lory, dinner na."
"Sige. Susunod na ako."
Pinatay ko na ang ilaw sa mesa at lumabas na ng kwarto. Nginitian ako ni Kuya Carlo at kinawayan para umupo. Inasikaso din ako ni May.
Mag-iisang linggo na nga akong nakikitira dito sa bahay nila May mula noong nalaman ko ang lahat mula kay Damuho. Pumunta ako dito dahil gusto ko munang may makausap tungkol sa mga iniisip ko.
Nagulat nga ako ng malaman kong second cousin pala ni Hans sila Kuya Carlo at May from his foster Tita's side meaning pinsan siya ni Sir Yoshi. Different ang family name nila dahil May’s father who is Sir Yoshi’s father’s brother used their mother’s name. Kaya pala maraming alam si May tungkol kay Hans. Tama nga ang desisyon kong sa kaniya pumunta.
Kinabukasan, nag-absent ako. Pinilit kong isama ako ni Hans sa mga taong nahanap niya na may alam sa buhay ng Mama ko. And this is what we found out.
My mother is a victim of rape, like Hans’ mother. The only difference is, Hans’ father is a Filipino. That makes him a pure one while I’m half Italian and Half Filipino. Personal maid ang nanay ko ng isang Italian noon. And every night, she is being called in his room. Hindi siya makapagsumbong sa mga may kapangyarihan noon because that Italian guy is a part of The Underworld; an organization, a brotherhood under Mafia. Kambal kami ni Lory Anne. She hated us so much being a product of the hell part of her life kaya niya kami pinaampon.
Pinaghiwalay niya kami but she gave her name to us. Her name is Leeanne Santiago. After niya kami ipaampon, she committed suicide. Her body was found in a hill, nagbigti siya doon sa liblib na lugar ng Tarlac. I feel numb that time.
Dinalaw na rin namin ang puntod ni Mama and I told her about me. Even though she hated me and Lory Anne, I know that both of us loves her from the bottom of our hearts because even though she hated us, mas pinili niyang buhayin kami and take all the sufferings in herself. Dinala pa rin niya kami ng siyam na buwan. Madali lang kaming ipalaglag pero hindi niya ginawa. Kaya kahit sabihin ng ibang tao na galit si Mama sa amin, alam ko na minahal din niya kami. Dinalaw na din namin ang libingan ng kakambal ko, na puppy love ni Hans, si Lory Anne Santiago.
"Lory..."
Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ni May. After a week, nailabas ko din ang lahat ng nararamdaman ko ngayon.
----XANDRO'S POV----
"Hindi ko alam ang buong kwento pero alam kong maraming dinadala si Lory sa loob niya. Being able to know who your family is and then malalaman mo na lang na wala na pala silang lahat tapos 'yung tatay naman niya, hindi mahagilap. Bakit ba naman kasi may mga taong kasama sa The Underworld. They are horrible. I hate them, really. Ikaw Xandro, you're from Italy, right? May alam ka ba tungkol sa mga The Underworld na 'yun?"
BINABASA MO ANG
A DANGEROUS LOVE (BOOK 1): SECRET RENDEZVOUS
Teen FictionCOPYRIGHT © 2012 by Myuko Uchiha Paano ba umibig ng isang taong walang pakiramdam? Iyon bang napakamanhid at walang pakialam sa ibang tao. Iyong tipong ang tingin sa lahat ay mahina. Siguro, nakakabaliw.... O kaya naman, nakakaasar. Lalo na, nakakas...