Chapter 5: Affection

181 13 1
                                    

 (A/N: kabaliwan po ang chapter na ito. sana po ay makarating sa inyong katinuan XD. Sana mag-enjoy po kayo ^^)

Vote and Comment

 ----------------------------------------------------------------------

Chapter 5: Affection

Athena Classroom. Lunch Break

“Charan!!!”

“Ano yan?” sabay na tanong ni Lory at JD kay May habang nakatingin sa Lunch Box na hawak nito.

“Bento! Akin na lang!” excited na paglapit ni Loviel sa hawak ni May.

Bago pa nito makuha iyon ay iniwas na ito ng dalaga kaya diretso sa upuan ni JD si Loviel. Hayun! Tumba ang dalawa.

“Hindi para sa iyo ito, little rabbit.” Sabi ng dalaga sabay upo sa tabi ni Lory.

“Pahingi ako Cutey May!” pakiusap ni Loviel with matching puppy eyes.

Na-star strucked naman si May.

“Pati si May ay hindi nakaligtas sa charm ni Loviel.” Sabi naman ni JD na katatayo lang.

Napabuntong-hininga na lang si Lory sabay kuha ulit ng stick-o.

“Para kanino ba iyan?” tanong nito kay May na malapit ng ibigay kay Loviel ang lunch box.

Mukhang natauhan naman ang dalaga kaya nayakap kaagad nito ang lunch box kasabay ng pagbatok ni JD kay Loviel.

“Kung makahingi ito akala mo naman napakahirap.” Si JD kay Loviel.

“P-para kay Xandro.” Namumulang sagot ni May sa tanong ni Lory.

Napatanga ang lahat kasama ng iba pa nilang kaklase na nakarinig sa sagot ng dalaga. Nagtataka naman itong napatingin sa paligid. Natawa si Loviel, sumunod si JD tapos nagsisunuran ang iba pang nakarinig. Si Lory naman ay napahampas sa noo.

“Bakit ba? Parang ang weird naman ng sinabi ko. Gusto ko lang naman magpasalamat sa kaniya.” Tanong ni May. Natigil sa pagtawa ang lahat.

Inakbayan naman ni Loviel ang dalagang naiinis na habang tinitingnan ni JD at Lory. Ang iba naman ay bumalik na sa ginagawa na parang walang nangyari.

“May, bakit naman sa dinami-dami ng tao dito sa school, si Castillo pa?” si Loviel.

“Eh bakit ba? Siya nga gusto ko eh. Ibibigay ko ito sa kaniya.”

“Huwag mo ng balakin.” Sabad naman ni Carter na kadarating lang mula sa Canteen dala ang mga tinapay na pinabili ni Loviel at JD.

“Bakit naman?”

“That will be wasted. Siya ang pinakamakasariling tao dito sa campus. As in, ‘Mind Your Own Business’. Tapos sasabihin pa niya sa iyo, ‘Get Lost, Trash.’” Panggagaya ni Carter kay Xandro at pinaseryoso pa ang mukha.

Binato ito ni Lory ng pencil eraser, sapul ito sa ulo.

“Hindi mo bagay. Si Pres na lang ang gayahin mo.” Sabi ni Lory sabay kagat sa stick-o.

“Ganito? Aherm… ‘MAGSITAHIMIK KAYO!’” panggagaya nga nito sabay tumingin pa ng masama sa kanilang apat.

Biglang may lumipad na eraser sa ulo nito.

“Student Council Office, Mr. Battalion Commander!” sigaw ni Yuan na napadaan pala at narinig ang sinabi ng kawawang binata.

“Hala! Kasalanan mo ito Lei! Humanda ka sa akin pagbalik ko!” kinakabahang sabi ng binata na sumunod na kay Yuan.

A DANGEROUS LOVE (BOOK 1): SECRET RENDEZVOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon