A/N: ano, siguro mga 6 to 7 chapters na lang ito... sana magustuhan niyo ^^
vote
comment
and Share ^^
-------------
Dahil nagising ako ng maaga, ako na ang nagluto ng almusal. Naabutan pa nga ako ni Kuya Kris pero hindi ako nagpapigil. Kahit ito man lang pambawi ko sa pagdala niya sa akin dito. Pasko na mamaya, kailangan naming makauwi kaagad. For sure hahanapin si damuho sa kanila.
“Miss Lei, ako na lang diyan.”
“Alam ko na. kuya, magkwento ka naman ng tungkol kay Hans noong mga panahong nandito siya. Habang nagluluto ako. Please?”
“Kay Sir? Hmmm, masayahin siya katulad noong kahapon. Pero…”
"Anong nangyayari dito?"
"Si-Si-Sir Hans."
"Kris?"
"Naabutan ko na si Miss. Lei na nagluluto. Ayaw po papigil eh."
Tumingin sa akin si Damuho at nginitian ko lang habang nakaupo sa harap ng mesa. Ang almusal? Sinangag with matching fried boneless bangus and tuyo. Ewan ko kung kumakain siya ng ganoon.
"Tapos na. Kahit pagalitan mo pa si Kuya Kris, nakahanda pa rin lahat ng 'yan. Kain na tayo."
"Ikaw talaga."
At naupo na nga siya. Umalis na si Kuya Kris dahil may pinapakuha si Damuho sa kaniya sa bayan. Ipapasabay ko nga sana siyang kumain sa amin kaso ang lakas ng topak ng kasama ko. Kaya 'yun, dalawa na lang kaming kumakain.
"Ano...Okay lang ba?"
"Maalat na ang boneless tapos maalat pa ang sinangag. Paano pa kaya kapag dagdagan ko pa ng tuyo?"
Bwisit na 'to. Mapanlait! Babawasan ko na lang ng alat next time.
"Pero nawawala 'yung alat ng sinangag kapag hinaluan mo ng plain rice. So far, ito ang pinakamasarap na agahan na natikman ko. Bakit hindi ka pa kumakain?"
Talaga? Baka naman niloloko lang ako ng taong ito…
"Lory."
"Kakain na."
"Eh bakit ka namumula?"
"Kumain ka na nga lang!"
At sunod-sunod na akong sumubo.
*Hindi napansin ni Lory ang ngiting lumabas sa mga labi ni Hans habang nakamasid ito sa kaniya*
"Lory! Bilisan mo! Nandito na 'yung bangka o!"
"Sandali lang!"
Naman! Nasaan na ba kasi 'yung camera na 'yun? Naiwan ko pa yata eh.
"Papasok na ako."
At pumasok na nga ang Damuho sa kwarto ko.
"Ano ba kasi 'yang hinahanap mo?"
"'Yung camera ko. Naiwan ko yata."
"O heto muna gamitin mo. Kopyahin mo na lang sa laptop mamaya."
"Sure?"
"Oo nga. Tara na."
"Sige na nga."
At sabay na kaming bumaba. Saan kami pupunta? Malay ko ba sa lalaking 'to. Siya lang naman ang may kung anu-anong binabalak diyan eh.
BINABASA MO ANG
A DANGEROUS LOVE (BOOK 1): SECRET RENDEZVOUS
Подростковая литератураCOPYRIGHT © 2012 by Myuko Uchiha Paano ba umibig ng isang taong walang pakiramdam? Iyon bang napakamanhid at walang pakialam sa ibang tao. Iyong tipong ang tingin sa lahat ay mahina. Siguro, nakakabaliw.... O kaya naman, nakakaasar. Lalo na, nakakas...