(A/N: heto lan po ang nakayanan ng butihing isip ko. sana magustuhan niyo po ^^ thanks din po sa suporta)
Vote and Comment
-------------------------------------
Chapter 8: Food Festival!!!
----THIRD PERSON’s POV----
“Okay guys! This is it! Galingan natin ha? Dating gawi. May at Lory, kayo ng bahala sa icing. Sarapan niyo ha? Loviel, mix with love and care. Ako na ang bahala sa table setting. Bakit nga ba kasi may table setting pa? Cart, you do the design.” Pagpapaliwang ni JD sa kanilang naplano noong nakaraang gabi.
“Awright!” sagot ng apat bago sila sumunod sa ibang fourth years sa Home Economics Room kung saan gaganapin ang Pastry Contest. Six groups ang nabuo sa 36 students ng fourth years na nahati sa dalawang classroom; ang Zeus at Athena. Kaya ang labas ay 3 groups per classroom dahil 18 students lang ang maximum ng per classroom sa Montemayor High School.
Nagsimula na ang laban. Sinimulan na ni Loviel ang paghahalo ng layers ng cake samantalang ginagawa naman ni Lory at May ang mixture ng icing nila. They are all under JD’s supervision dahil pinagbawalan siyang mag-hands on dahil na rin sa pagiging representative ng school sa Cake making contest tuwing Nutrition Month. Si Carter naman ay katulong ni JD sa pag-aayos ng mesa for their presentation. Naiiwan doon si Carter kapag tinatawag ng tatlo si JD.
Sa kabilang banda, sa part ng ZEUS, magkasama sa iisang grupo ang Sweet Haters na si Yuan at Xandro. Magkaklase kasi silang dalawa kaya namomroblema ang kanliang mga kagrupo. Wala pa man din silang alam sa pastry making. Ang tanging may experience lang ay ang dalawang haters na palaging nagbabangayan.
“Mali ang pagmimix mo ng layers, mawawasak ‘yan.” Puna ni Xandro sa ginagawa ni Yuan.
“Eh kung ikaw na kaya ang gumawa nito?” asik naman ng huli.
“Ako na gagawa lahat? Ganoon?”
“Eh dada ka ng dada diyan eh. Tinutulungan ka na nga. Kung wala kang masabing matino, manahimik ka na lang diyan. Nakaupo ka na nga lang diyan.”
“So, gusto mong sabihing tamad ako?”
“Kilala mo pala ang sarili mo eh.”
“You know Mr. President, you’re getting in my nerves.” Bwisit na sabi ni Xandro.
“Same for me.” Sagot naman ni Yuan na nagmamasa pa rin ng dough.
“Laki ng problema mo.” Singhal ni Xandro na nagwalk-out din pagkatapos. Kinabahan naman ang kanilang mga ka-grupo at nagkatinginan.
“Huwag kayong mag-alala. Babalik ang isang iyon. ‘yun pa, hindi nagpapatalo kahit na kanino iyon.” Tanging nasabi na lang ni Yuan ng matapos magmasa ng dough at ilagay iyon sa container.
“we’re done!” ani JD habang tinitingnan ang mesa pagkatapos ay lumapit kay Loviel.
“10 minutes pa. Dalawa na kasi ang ginawa ko, sayang naman kasi ‘yung flour.” Loviel said with an evil smirk.
“Kaya pala pinaramihan mo sa amin ang icing.” Komento ni Lory. Loviel just grinned.
After an hour, tapos na lahat ng cake at nakalagay na sa Chiller. Pinabalik na sa kanilang mga classroom ang mga estudyanye. After two hours more ay pinabalik sa HE Room ang isa sa kanila para mag-prepare ng 3 slices ng cake for the judges in the table that every group set. Isa-isang nilapitan ng judges ang cakes. Pang-apat na table ang grupo nila Lory at sa pinakaunang table naman ang kina Yuan.
BINABASA MO ANG
A DANGEROUS LOVE (BOOK 1): SECRET RENDEZVOUS
Teen FictionCOPYRIGHT © 2012 by Myuko Uchiha Paano ba umibig ng isang taong walang pakiramdam? Iyon bang napakamanhid at walang pakialam sa ibang tao. Iyong tipong ang tingin sa lahat ay mahina. Siguro, nakakabaliw.... O kaya naman, nakakaasar. Lalo na, nakakas...