A/N: Una sa lahat, nagpapasalamat po ako sa mga nagbabasa nito kahit na beginner lang po ang nagsulat. Sana po ay patuloy niyo ako suportahan sa mga susunod ko pang akda... 'chos baliw lang? xD Sana po magustuhan niyo ito...
GBU everybody!
Vote and Comment po
---------------------------------
"Sir, ano... Bibihisan kita ha kasi oh? Pawis na pawis ka na. Baka mapulmonya ka niyan eh."
Teka, bakit ba kinakausap ko pa siya? Eh hindi naman niya ako maririnig. Nagdedeliryo na eh. Pumasok ulit ako sa kwarto niya at napatingin ulit sa picture na ibinalik ko sa pwesto. Hay. Gusto ko na talagang magtanong pero paano ko tatanungin ang may sakit? Hay.
*innocent sorrow*
Unregistered number?
“Hello?”
“Lorilei!”
“ahhh... Sir Yoshi?”
“Ako nga. Ano, nandyan ka pa ba sa condo ni Kuya Hans?”
“Yes Sir! Buti po napatawag kayo! Kasi si Sir-”
“I know, I know. Buti na lang at inutusan ka ni Yuan diyan. Ano, kamusta na si Hans? Umuwi siya kanina dahil nilalagnat siya eh.”
“'yun Sir. Ang taas ng lagnat. Hindi ko na nga makausap eh.”
“Sige sige. Kuha ka ng damit niya sa closet niya tapos hintayin mo ako. Papunta na ako diyan.”
“Sige Sir.”
“Sige, bye.”
Yes! Buti na lang si Sir 'yung tumawag! Makakuha na nga ng mga damit.
Bumalik ako sa tabi ni Sir Hans at pinalitan 'yung bimpo sa noo niya after ko punasan 'yung mukha niya. Ang solid lang kasi ang pula-pula niya eh.
“Lo-Lory... Lory...”
“Sir?”
“Lory...”
Hindi ko alam kung paano pero yakap na niya ako ng mahigpit. Naramdaman ko, bumilis ang pintig ng puso ko. Kinakabahan ako eh! Pero bakit pati ang mukha ko, ang init? Ah! Kasi mainit si Sir! Tama!
“Sir?”
“Lory... Lory...”
Tiningnan niya ako sa mata habang mabilis siyang huminga. Ganoon ba kapag nakikita mo 'yung parang soul ng tao sa mata nila? Kasi ang nakikita ko sa kaniya is lungkot, hesitance, Longingness? And... Love? Ahhh! Ano na naman ba 'tong iniisip ko?! Ba-
Nagmulat ako ng mata. Panaginip. Panaginip na parang totoo. It's been a week and a half already since that happen but it keeps hunting me. Ahhhh! Ano ba Lory! Huwag mo ngang hawakan 'yang labi mo na parang nagustuhan mo 'yung halik na 'yun! Makainom na nga lang ng tubig! Buti na lang at Christmas Break na namin. Kailangan kong mag-concentrate sa pagsusulat ngayon at hindi ko kailangan ng pampagulo ng utak! Isa pa, bakit ba ako nagpapaapekto sa kaniya eh may fiancee na nga siya eh. Badtrip! Pero, bakit niya ako hinalikan? Ahhhh! May sakit kasi siya nun!!!
Nilingon ko ‘yung orasan. 6:30 pa lang ng umaga. December 18, start ng bakasyon namin. Matutulog na lang ulit ako.
(Ringtone: Innocent Sorrow)
“Hello?”
“Uy Lei... Nasaan ka na?”
“ako? Nasa bahay.”
“Nasa bahay ka pa? Di ba lalabas tayo ngayon?”
“Sino may sabi?”
“Si Sir Yoshi di ba? For our Special Class, may field trip kaya tayo. Nakalimutan mo ano?”
BINABASA MO ANG
A DANGEROUS LOVE (BOOK 1): SECRET RENDEZVOUS
Novela JuvenilCOPYRIGHT © 2012 by Myuko Uchiha Paano ba umibig ng isang taong walang pakiramdam? Iyon bang napakamanhid at walang pakialam sa ibang tao. Iyong tipong ang tingin sa lahat ay mahina. Siguro, nakakabaliw.... O kaya naman, nakakaasar. Lalo na, nakakas...