Chapter 14: My Solitude...

103 6 0
                                    

(A/N: sorry po ngayon lang nakapag-update. sana magustuhan po ninyo ang kaguluhan ng neurons ko.)

 Vote and Comment po ^^

---------------------------

4-Athena

----LORILEI’S POV----

Inaantok pa ako! Sorry naman di ba? Sinimulan ko na kasi kagabi ‘yung IP namin at dahil napasarap ako sa pagreresearch with matching soundtrip, hindi ko namalayan ng 2 am na. yawns.

*bell rings*

Tingin sa mesa ni May. Himala, late siya? Napuyat din ba kagabi? Sit straight, dumating na pala si Sir Tairon. Bakit gloomy yata ang mukha niya? Bad Vibes, umagang-umaga?

“Settle down, guys. I have an important announcement for everyone.”

Sabay tingin sa akin tapos kay Loviel, JD at Cart. Anong problema niya? Dahil malapit ang upuan ko sa may bintana kung saan tanaw ang ground, napansin kong may tumatakbo palabas ng school… si Xandro? Ang weird yata ng mga tao ngayon. At bakit wala pa si May?

“Ms. Carmay Delos Santos can’t make it on class today because last night… her parents died.”

WHAT?!

May’s House.

Nag-decide si Ms. Aragon na pumunta kami sa lamay bilang buong klase. Buong umaga kami doon. Kasama nga sana namin ang Zeus pero susunod na lang daw sila sabi ni Sir Chard. Mula pagdating namin ay wala kaming narinig na umiyak man lang.

Kanina pa ako nakamasid kay May. Kung hindi mo siya kilala, iisipin mo na bakit ganoon siya? Parang hindi namatayan. Why? Kasi heto siya. Nag-seserve ng pagkain at maiinom sa mga nakikilamay. Ngumingiti at tumatawa sa mga kakwentuhan. But I know, she is hiding it deep inside. I can’t see any light in her eyes. Parang reserved sa anumang emosyon ang mga mata niya ngayon. Naiintindihan ko naman pero bakit ganoon? Bakit kailangan niyang itago ang nararamdaman niya?

“Nagtataka ka rin ba?”

ANAK NG TIPAKLONG! SINO ‘TO?

“ahh..”

“I’m Carlo. May’s brother.”

Nakangiti din ito pero katulad ni May, walang emosyon ang mga mata. Ako na Eye Gazer. Nakipag-shake hands ako.

“Condolence po.”

“Lorilei, right?”

“Ahh. Opo.”

“That’s her defense mechanism. Ayaw niya kasing ipakita sa iba na nasasaktan siya. Sabi niya, mas gusto niyang umalalay kaysa ang alalayan. Minsan nga, iyong pag-aasta niyang matapang ang pinag-aawayan naming eh.”

Napatingin na lang ulit ako kay May. Pwede namang baliktad di ba?

“I know you want to talk to her kaya hilain mo na siya sa kwarto niya. Ako na ang bahala dito para mailabas na niya lahat ng nararamdaman niya. Hindi pa yata ubos kanina eh.” Nakangiti pang sabi ni Carl.

“What do you mean po? Akala ko b-”

“Xandro Castillo is here awhile ago.  Schoolmate niyo yata ‘yun, basta. The moment na dumating siya kanina, nawala ang pagiging matapang ng isang ‘yan.”

“S-sige. Maya na ulit kuya.”

Kung ano man ang epekto at relasyon ni Xandro kay May, later na lang iyon. Ang importante sa ngayon ay siya. Nilapitan ko si May.

A DANGEROUS LOVE (BOOK 1): SECRET RENDEZVOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon