Chapter 31.5: Closure

73 7 0
                                    

A/N: sorry po kung ngayon lang nag-update... pero babawi po ako.... 3 updates po gagawin ko ngayon... thank you po pala sa mga nagbabasa ^^

Ate Dedicated po ito sa'yo... Thank you po sa pag-add ng story na ito sa RL mo ^^

Vote and Comment po ^^

------------------------------------

 "Ang aga ha?"

Nilingon ko 'yung nagsalita. Si Sarah Jane, ex-girlfriend ko. Last year lang kami nag-break, 3 days before her graduation. Siya ang dahilan kaya para akong tanga noong summer vacation. At siya din ang laman ng lahat ng dahilan na sinasabi sa akin ni Hana kung bakit ayaw niya ako para kay Ayra.

Naupo siya sa tabi ko at nag-inat. Nasa basketball court kami malapit sa bahay nila. Tambayan namin ito noon hindi lang dahil mortal kaming magkalaban sa basketball kundi dahil dito din ako nag-confess sa kaniya; after ng one-on-one match namin. Exact date, different year.

"Tagal ko ding hindi napuntahan ang lugar na ito."

"Yeah. Sabi nga ni Carter."

"Nagkausap kayo?"

"Oo naman. Text mate kami nun eh."

"Eh di alam mo na rin 'yung current situation ko ngayon."

"Sorry, chismosa eh. Kahit hindi ka magkwento kapag aksidenteng nagkikita tayo. And I guess I have a hint kung bakit mo ako tinawag dito."

"One year have already passed. Dapat noon ko pa ito tinanong pero..."

"Natakot ka sa sagot ko?"

"Oo."

"Ako din naman, natakot sa maaari mong itanong at sa pwede kong isagot."

"Pareho tayong takot kaya umabot pa sa ganito."

"Oo nga eh. Ano ba 'yung tanong mo?"

"Let's have a match?"

"Up to 10 pts ha? Game."

Pinasa ko sa kaniya ang bola. And the game started as well as our conversation.

"SJ, bakit mo ako sinagot noon?"

"'Yung totoo?"

"Oo. As in 'yung totoo."

"Ang cute mong mag-confess. And I'm quite interested in you."

And she made a 3 point shoot. Now, the ball is mine. Sabi na nga ba. Hindi niya ako sinagot noon dahil gusto niya ako tulad ng pagkagusto ko sa kaniya. Ramdam ko naman eh. I'm just blinded with my attraction with her.

"Ikaw? Bakit ka nagtapat noon?"

"Obvious naman eh. I fell hard with you."

And then I made a shoot. That makes it 2:3.

"Kaya ba kahit alam mong hindi talaga kita mahal, wala kang ginawa para kumprontahin ako?"

"Yes."

Naagaw ko ang bola sa kaniya at naka-shoot. 4:3 na ang score.

"Sino 'yung kasama mo noong prom? 11th monthsary natin 'yun, di ba? Pinuntahan kita sa bahay niyo after ng prom only to find out that you're with somebody else."

"Pinsan ko 'yun. Kapatid ni Lulu."

"Bakit hindi ka man lang tumawag?"

Hindi siya sumagot. Natahimik siya. Kaya naagaw ko ulit 'yung bola at naka-shoot. 6 points na ako.

A DANGEROUS LOVE (BOOK 1): SECRET RENDEZVOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon