Author's note:
Anong gagawin niyo kapag ang celebration ng school ninyo para sa Buwan ng Wika ay ang magsalita ng purong Filipino sa loob ng isang linggo? Epic Nosebleed ba? Kinailangan ko pang kalkalin sa aking Precious Baul ang Eng-Fil Dictionary para sa chapter na ito. Sana magustuhan niyo! Ano nga bang Filipino ng DOTA? XD
#Thecrazyauthorwhomakeherselfloseblood.
Vote and Comment ^^
----------------------------------
Chapter 10: Ginoo at Binibining Makata: Epic Nosebleed
----THIRD PERSON’s POV----
Flag Ceremony.
“Bilang panimula ng Buwan ng Wika, nais kong ipahayag na mula sa araw na ito ay kailangang ang bawat mag-aaral ay magsasalita ng ating Pambansang Wika; ang Filipino. Ang mahuhuling bumibigkas ng ibang wika ay mapaprusahan sa kulungan ito.” Paghayag ng Principal sabay turo sa isang man made na kulungan sa stage. Umugong ang bulung-bulungan sa paligid.
“Dito natin malalaan kung hindi pa rin ba nakakalimutan ng bawat mag-aaral ang kanilang sariling wika sa kabila ng sari-saring impluwensiya ng ibang bansa sa ating bansa. Mayroon lamang mga asignaturang hindi saklaw ng selebrasyong ito katulad ng Matematika. May mga magiging bantay sa bawat oras na narito kayo sa paaralan kaya kailangang ninyong mag-ingat. Ito rin ang magiging daan namin upang humanap ng mga mailalahok sa Ginoo at Binibining Wika. O paano, galingan ninyo ng hindi kayo makulong. Sinisimulan ko na ang selebrasyon ng Buwan ng Wika ngayon din.” Pagtatapos nito. Wala ng magagawa pa ang lahat kundi ang sumunod dahil mistulan ng isang tradisyon iyon sa kanilang paaralan.
“Heto ang pinakaayaw kong panahon ng pag-aaral! Prom--- Pangako! Ahh!” lintanya ni Loviel.
“Ganito pala kayo mag-cel… Mag… anong salita na ba’yun? Ahh! Magdiwang ng Buwan ng wika?” tanong ni May na nasa likuran lamang nito.
“Ganoon na nga. Isang linggo tayong maghihirap.” Sagot ni Lory.
“Ngunit maganda rin naman. Kadalasan kasi, ang mga estudyante ay nakakalimot na sa ating sariling wika. Paminsan-minsan, mali… kadalasan, naipaghahalo pa natin ang ating sariling wika sa wika ng mga dayuhan. Sa ganoong pangyayari, napapatunayan lamang na paunti-unti ng nawawala ang respeto at pag-ibig natin sa sariling atin.” Paliwanag naman ni JD.
“Ikaw na JD! Ikaw na ang Ginoong Makata!” pang-aasar ni Carter.
“Manahimik ka!” kastigo ni JD dito. Nagkatawanan na lamang sila ng mahina ng marinig nilang magsalita si Sir Hans.
Sa Library. Breaktime.
----MAY’S POV----
Nose bleed na naman ako! Alam kong gaano ako kahina sa English pagdating sa oral, ganoon din ako kahina sa Filipino.
Anong gagawin ko?!
Pero I’m glad, assistant ako sa Library. Hindi ko kailangang magsalita ng mahaba.
“Nakikinig ka ba?”
“Xandro! Kailan ka pa nandiyan at… at anong ginagawa mo dito?”
“Natural, humihiram ng libro.”
Napatingin ako sa librong nasa harapan namin. Uminit ang pisngi ko. Oo nga naman di ba? library nga naman ito, alangan namang kumain siya dito? Ehhhhh! Sulat. Sulat. Sulat.
“ Hey.”
“Huh?”
“Hindi pa kita napaparusahan hindi ba?”
BINABASA MO ANG
A DANGEROUS LOVE (BOOK 1): SECRET RENDEZVOUS
Novela JuvenilCOPYRIGHT © 2012 by Myuko Uchiha Paano ba umibig ng isang taong walang pakiramdam? Iyon bang napakamanhid at walang pakialam sa ibang tao. Iyong tipong ang tingin sa lahat ay mahina. Siguro, nakakabaliw.... O kaya naman, nakakaasar. Lalo na, nakakas...