A/N: Hans... kilos kilos din pag may time...
Vote and Comment po ^^
--------------------
December 23 20**
7:00 am
----LORILEI'S POV----
2 days na kaming nakabalik mula sa Baguio. Loviel ask me to spend my Christmas with him but i refused him. Sinabi kong mag-spend ako ng Christmas ko with May's family. Ewan ko kung bakit pero I'm really looking forward on being with Sir Hans this Christmas. I lied for an unknown reason. Kinausap ko na din si May at pumayag siyang pagtakpan ako. I feel like I'm cheating on Loviel but... I decided already.
Lumabas na ako ng bahay dala ang bag ko and saw Sir Hans leaning on his car and staring at me. This is it.
"Saan po tayo pupunta?"
"Po?"
"Saan tayo pupunta?"
"My place."
"You... you're place? Pero nasa labas na tayo ng Tagaytay ah."
"Papunta sa Airport. We will use our private plane to Tawi-Tawi."
"Tawi-Tawi?!"
"Ingay mo."
"Eh sabi mo sa Tawi-Tawi eh. Dulo ng bansa 'yun ah? Ang layo non! Ayoko! Wala akong dalang pera. Ibalik mo na ako."
"Wag mo ngang isipin 'yung gastos. Ako ang nag-aya sa'yo, alangang paggastusin kita. Isa pa, private plane namin ang gagamitin natin."
"Pero Ayoko talaga."
Inihinto ni Hans ang sasakyan. Patay. Nagalit na yata.
"Lory, please don't argue with me. I want this day to be special. I want this day to be with you in my most important place."
Natahimik ako at napatango na lang. In-start na ulit niya ang sasakyan. He shows a lot of emotions recently and I'm not really use to it. Nakakapanibago.
After a while, nakarating na kami sa Airport. And for a moment parang gusto ko na namang umayaw. Never pa akong nakasakay ng Airplane eh! Pero katulad kanina, napapayag na naman ako ng damuho. Grabe! Ano na bang nagyayari sa akin?!
Kanina pa ako nakatingin sa labas at nagsa-site-seeing samantalang ang kasama ko, nagbabasa. Ang boring, makatulog na nga lang.
----HANSEL'S POV----
"Lory..."
"Shut up, Damuho. Istorbo."
Baliw talaga ang isang ito. Nagsasalita ng tulog. Damuho talaga? Nickname na kaya niya 'yun sa akin mula noong nagkakilala kami? Matanong nga mamaya.
"Lorilei... Nandito na tayo, gising na."
Nagpunas siya ng mukha na parang may laway sa gilid ng labi. Nakakatuwa lang talaga. Nung marealize niyang nakatingin ako sa kaniya, ganito ang mukha niya... O.O...
"Damuho?"
"You love calling me Damuho."
Naalala niya sigurong gising na siya kaya napatakip siya sa bibig. Ginulo ko na lang ang buhok niya.
"Tara."
"I'm not a kid anymore!"
At humabol na lang siya, this day started like this. I hope it'll end like this too; happy.
"Hey! Nasaan pala tayo?"
"One of the Islands here in Tawi-Tawi."
After 10 minutes of walking from the center of the forest narating din namin ang beach.
BINABASA MO ANG
A DANGEROUS LOVE (BOOK 1): SECRET RENDEZVOUS
Teen FictionCOPYRIGHT © 2012 by Myuko Uchiha Paano ba umibig ng isang taong walang pakiramdam? Iyon bang napakamanhid at walang pakialam sa ibang tao. Iyong tipong ang tingin sa lahat ay mahina. Siguro, nakakabaliw.... O kaya naman, nakakaasar. Lalo na, nakakas...