(A/N: Yan dude! dahil greatful akong ikaw ang kaklase ko sa Econ 2! Para sa'yo to! I LAB YU!!!!)
Vote and Comment
------------------
“Last week, I gave you the background of last year’s Investigatory projects. As far as I remember, I already lectured the parts of it. Now, it is time for everyone to think and make your own IP. I’ll call nine students to choose their own partner from the nine remaining.” Pag-uumpisa ni Hansel sa activity nila sa Physics ng umagang iyon.
Kasama sa mga natawag sina May, Loviel at JD. Katulad ng inaasahan, pinili ni Loviel si Lory kaya matalim ang tingin dito ni May. Pinili naman ni JD si Ayrixia at napili naman ng isang classmate nila si Carter. No choice si May kung hindi mamili ng iba. Nang makapili na ang lahat ay ibinigay na ni Hansel ang oras sa kanila upang gawin ang first part and background ng kani-kanilang IP. Pagkalabas nito ay kaniya-kaniya na ang lahat. May mga nagpunta sa library ngunit nanatili ang barkada sa classroom kasama ang kanilang mga partners.
“Okay ka lang Carter?” tanong ni Aaron, partner ni Carter, sa partner na kanina pa nakatingin sa pwesto ni JD at Ayra malapit sa bintana.
“Oo naman, bakit?”
“Nakatingin ka kina JD. You look tensed. Perhaps, you’re jealous?” nanunuksong puna nito sa binata habang ini-scan ang librong hiniram nito kanina sa library bago pumasok sa Physics class.
“Kanino naman? Kung anu-anong iniisip mo. Gawin na nga natin ito.” Nakabusangot na tingin ni Carter kay Aaron. Natatawa na lang si Aaron.
Sa kabilang banda.
“Kuya JD, bakit ako ang pinili mo eh free pa naman si Carter?” tanong naman ni Ayra na napatitigil sa pagbubuklat ng libro at napatingin kay JD na nasa harapan niya at sobrang lapit na yata ang upuan sa kaniya.
“You know, I feel something unusual from Carter and I just want to find that out.” Sagot nito na pinaglalaruan pa ang librong gamit ni Ayra kanina.
“Ano naman pong kinalaman ko doon?”
“Attracted ka ba kay Cart?”
Namula si Ayra.
“Kuya JD naman. Hindi no. naku ikaw, mag-research na lang tayo.”
“Dalawa na kayong nag-deny pero I’ll have my way to find out. By the way, pinili kita kasi alam kong ligtas na ang grade ko sa IP kapag ikaw ang partner ko.”
“Weh?”
Samantalang ang grupo naman nila Loviel.
“Loviel, don’t play with my hair.” Kastigo ni Lory habang naghahanap ng posible nilang gawing IP pero mukhang hindi nakikinig ang binata. Inamoy pa nito ang buhok niya kaya tiningnan niya ito ng matalim pero wala pa rin epekto. Tatayo na sana siya ng biglang may magsalita mula sa likuran nila.
“Do what I told you to do. Mukhang nakalimutan mo na yatang bawal ang PUBLIC DISPLAY OF AFFECTION sa school premises, MR. CRUZ?” malamig na kastigo ni Hansel kay Loviel. Inalis naman ni Loviel ang kamay sa may buhok ni Lory at nginitian si Hansel na parang nang-aasar.
“Yes Sir.” Malamig lang ang tingin na binigay nito sa binata pagkatapos ay umalis. Sinundan na lang ito ni Lory ng tingin.
“Puno ng tension and classroom ngayon.” Pansin ni May na nasa isang sulok na malapit sa pintuan kasama ang partner niyang si Charles.
“Ramdam ko nga rin eh. Gusto mo, ikot na lang tayo sa school? Baka makaisip tayo ng idea.”
“Sige tara!”
BINABASA MO ANG
A DANGEROUS LOVE (BOOK 1): SECRET RENDEZVOUS
Teen FictionCOPYRIGHT © 2012 by Myuko Uchiha Paano ba umibig ng isang taong walang pakiramdam? Iyon bang napakamanhid at walang pakialam sa ibang tao. Iyong tipong ang tingin sa lahat ay mahina. Siguro, nakakabaliw.... O kaya naman, nakakaasar. Lalo na, nakakas...